"Sigurado ka bang hindi ka na sasama sa ospital?" "Hindi na. Kaya mo na 'yun. Mas kailangan ako sa bahay. Atsaka, namimiss ko na din sila Zylie e." Nakakagat-labing sagot n'ya. I was tempted to lean closer and pull her lip away from her teeth pero pinigilan ko na 'yung sarili ko. Baka lumaki na masyado ang ulo ni Lana at sabihin naman niya masyado na akong naa-adik sa kanya. "Uhmm, sige na. Umalis ka na. H'wag mo 'kong ma-mi-miss ha?" Natawa na lang ako ng wala sa oras lalo na nung kinindatan niya ako. "Eh, paano kapag na-miss kita?" I asked, teasingly. "Nasa bahay lang naman ako. Kung wala sa kusina, sa kwarto nila Zylie. Hindi naman kita pagtataguan e." Kumindat pa siya bago naglean para halikan ako sa pisngi. Inalis nya yung seatbelt pero hindi siya bumaba ng sasakyan. She's just loo