"Anong gagawin mo?" Napatingin ulit ako kay Iñigo na nasa harapan ko pa rin pero masyado siyang malayo para marinig yung pinag uusapan namin ni Yto. He's still looking at me pero hindi kagaya kaninang blangko yung ekspresyon ng mukha niya, ngayon kita ko na na nakakunot yung noo niya at wala na din siyang pakialam kahit na nasasanggi siya ng mga sumasayaw at dumadaan sa paligid niya. "Lana, kung gagawin ko yung gagawin ko, you have to stop looking at him as if you're asking him to come and rescue you." Inilagay niya yung dalawang daliri niya sa chin ko at bahagya niya yung hinila para mapatingin ako sa kanya. "Ano bang gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko. Feeling ko kase bigla nalang susulpot si Iñigo sa harapan ko para hilahin ako palayo kay Yto but then again, malabong mangyari 'yun. H