Chapter Twenty Nine A Promise Of Tomorrow SUMMER/JANGMI PAIKOT- ikot ako sa loob ng kwarto ko. Nakakandado ito at hindi ako makalabas. Para akong mababaliw kakaisip kung paano makakaalis dito bago nila muli simulan ang ritwal. Sa paligid ng kwarto ko ay may mga itim na kandilang nakasindi. Kahit hinang- hina ako ay nakakakuha ako ng lakas upang umisip ng paraan. Kailangan kong makaalis dito, kailangan kong mailigtas ang anak ko. Ang anak namin ni Ryuhan sa kamay ng masamang Mahal na Reyna. Kumuha ako ng papel at saka nagsimulang magsulat nang napagtanto ko ang isang bagay. “Bwisit 'di ako marunong magsulat ng Hangul.” Mura ko sa sarili ko at ni-crumpled ko ang papel. Paano ko ba masasabi sa kaniya na nasa panganib kami ng anak niya. Paano ba? Kahit hinang- hina ako ay naghanap ng kung

