THIRD PERSON'S POINT OF VIEW TAHIMIK na sinimsim ni Daerin ang tsaa sa kaniyang tasa habang nag-uusap sila ng Mahal na Hari. “Mahigit labing - anim na taon din tayong 'di nagkita, Mahal kong Hari. Ang akala ko ay 'di mo na kakailanganin ang aking mahika.” “Tama ka Daerin, hindi ko aakalain na kakailanganin ko rin ang iyong tulong.” sagot sa kaniya ng mahal na hari. Tinitigan ni Daerin ang Mahal na Hari, 'di halos nagbago ang itsura nito. Makisig pa rin ito at tila ba hindi tumanda. Ngunit halata naman sa mga mata nito ang kaniyang kalungkutan. “Ang balita ko ay tuluyan mo ng ipinabitay ang dating reyna na si Yoona. Hindi ko akalain na gagawin mo 'yon. Ang akala ko ay nalimot mo na siya dahil sa iyong paghihinagpis dahil sa pagkawala ni Jangmi. Limang taon rin ang pinalipas bago mo s'ya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


