THIRD PERSON'S POINT OF VIEW MINULAT ng mahal na hari ang kaniyang mga mata. Simula ng mangyari 'yon tila ba isang bangungot na gumugulo sa kaniya gabi- gabi ang mga huling sandali na nakita n'ya si Jangmi. Ang huling sandali na nasilayan niya ang mukha nito. Ngayon, di na niya alam kung paano ba n'ya itutuloy ang kaniyang buhay sa Joseon. Nawala ang taong kumukumpleto sa kaniya, ang taong bumubuo sa kaniyang puso nang dahil sa kaniyang kahinaan. “Mahal na Hari, magsisimula na po ang pagpupulong...” giit ng isa sa kaniyang mga Eunuch. Pinikit n'ya muli ang kaniyang mga mata. “At saka dumating na po pala si Lady Daerin, nais n'yo po ba s'yang makausap muna bago magsimula ang pagpupulong?” muling tanong ng kaniyang Eunuch. Minulat niya ang kaniyang mata at humawak sa hikaw na nakadikit s

