Gusto ko s’yang pagtawanan ng makita ko s’ya pero hindi ito ang tamang oras para do’n, Nandito ako para sa meeting at kailangan kong maging professional kaya kesa sagutin ko s’ya ay alanganin lang akong ngumiti.
“Sorry po may emergency lang,” sabi ko na lang at umupo sa pwesto ko kung saan nandon ang mga katrabaho ko.
“Sis bakit ka ba na late?” tanong nila sa akin. “Mabahang kwento pero mamaya na,” sagot ko sa kanila at umayos ng upo.
Nagsimula na ang meeting at nakinig na lang ako kahit na ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ayokong magpaapekto dahil nandito s’ya pero hindi ko maiwasan na tumingin ng palihim sa kanya. Kung nalaman ko lang agad na nandito s’ya edi sana hindi na lang ako pumasok kahit pa magka-memo ako. Ayoko na s’yang makita at iniiwasan ko talagang makita s’ya pero ano pa bang magagawa ko kung nandito na s’ya ngayon at nasa iisang kwarto lang kaming dalawa.
“Mia, one of our writers will explain the flow of the story for the clarification of everyone.” Sabi ng head writer namin kaya napaayos ako ng upo.
Wala naman sinabi sa akin na kailangan kong i-explain sa kanila ang flow ng story ngayon. Ang sabi lang naman kailangan kong umattend ng meeting. Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo sa harap kahit labag sa loob ko.
“Good day ma’am/sir, for the flow of the show we plan to make it more educational but at the same time the audience will have fun watching it.” Sabi ko sa kanila at ipinamigay na ng iba kong kasamahan ang manuscript.
Ipinagpatuloy ko na ulit ang pagpapaliwanag sa kanila ng makuha na nila ang kopya ng manuscript. Ipinaliwanag ko kung ano ang magiging flow ng mga eksena sa unang beses namin itong ipapalabas ang ibang mga outline para sa susunod na araw.
“Hindi ba magiging boring ang show sa gusto mong mangyari?” tanong n’ya sa akin.
“Sa tingin ko naman po ay hindi. Variety show ang ipapalabas natin kaya hindi magiging boring,” sagot ko sa kanya.
“Nakukuha ko ang sinabi mo pero parang ala naman buhay, kulang sa script! Talaga bang ito na ‘yon?” tanong n’ya sa akin.
Huminga ako ng malalim at pinigilan ang sarili ko na sagutin s’ya ng hindi maganda. Ayokong magmukhang personal ang kung ano man ang lalabas sa bibig ko laban sa kanya.
“Like what I said, variety show ang ipapalabas natin. Hindi kailangan ng madaming script para do’n. Hindi magiging natural sa harap ng mga manonood ang palabas kung susunod lang sa script ang mga artist. Mas mainam kung may sarili rin silang idea kaya nga gumagawa kami ng outline para sa kanila. We don’t want to control them kaya simpleng script ang ginawa namin para mas maging natural ang lahat pero kung gusto n’yo naman po na baguhin ay pwede naman. I just saying na mas maganda kung natural ang nakikitang aksyon ng mga manonood kapag ganito ang tema ng palabas,” sabi ko sa kanya at napatango naman ang ibang tao dito sa kwarto bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
I don’t want to disrespect him dahil isa s’yang direktor at alam kong mas mataas ang posisyon n’ya kesa sa akin pero sinasabi ko lang naman ung saloobin ko tungkol sa ipapalabas namin. At the end of the day sila pa rin namna ang masusunod.
“She has a point. We don’t need to change the manuscript. I approve it and we will proceed to the show next week,” sabi ng kakapasok lang na lalaki.
Bahagya akong umusog para bigyan s’ya ng pwesto sa harap.
“Good day Mr. McClay! Everyone he is the producer of the show and one of the major stockholders of the entertainment.” Sabi ng head writer namin kaya napatayo ang lahat para batiin ang lalaking katabi ko ngayon.
“I already sign the budget for the show and contact my secretary if you need something,” sabi nito sa amin.
“Thank you, Mr. McClay!” sabi ko sa kanya at humarap s’ya sa akin.
Nanlaki ang mata ko ng makita ng buo ang mukha n’ya. Anong meron sa araw na ‘to? Siya ung nakabangga ko nung nasa ospital ako. He is Caius Christian McClay, a well-known business tycoon.Walang may hindi kilala sa kanya dahil sa yaman n’ya at sa mga kaibigan na rin n’ya kaya nakakahiya ung nangyari sa ospital no’n.
“Update me with the script and I will be the one approving it,” sabi n’ya lang sa akin at humarap na ulit sa kanila.
Napatango na lang ako ng wala sa oras.
“We will make sure that this show will be a success Mr. McClay,” sabi naman ng epal sa kwarto na ‘to.
Hindi kumibo si Caius at tiningnan n’ya lang ang relong suot n’ya saka muling humarap sa akin kaya napaayos ako ng tayo.
“She will be in charge of sending me the script, no one will coordinate with me aside from her.” Sabi n’ya na ikinagulat ko pero bago pa man ako makapagsalita ay umalis na sila ng secretary n’ya.
“Nakapagdesisyon na ang producer natin at okay na rin naman siguro sa inyo lahat kaya tapos na ‘tong meeting na ‘to,” sabi ng head writer namin.
Nagsilabasan naman na sila at ako naman ay inayos ko muna ang gamit ko hanggang sa naiwan na ako dito sa loob pero ang akala kong ako lang ang naiwan ay hindi pala.
“Anong kailangan mo?” tanong ko sa kanya.
“Fierce,” sabi n’ya sa akin kaya inirapan ko s’ya.
“Wala akong oras sa ganyan mo,” sabi ko sa kanya.
“Bati na tayo babe,” sabi n’ya sa akin kaya humarap ako sa kanya.
“Hindi ka na nagbago Mark,” sabi ko sa kanya.
“Sinabi ko naman sa’yo na wala lang ‘yon saka si mom ang nag setup sa akin do’n babe. Ikaw lang naman ang mahal ko,” sabi n’ya sa akin kaya napapailing ako.
“Huwag na tayong maglokohan Mark, kitang kita ng dalawang mata ko ung kagaguhan mo.” Sabi ko sa kanya at iniwan s’ya sa loob ng conference room.
Napahinto naman ako ng makita sa labas si Caius. Akala ko ay umalis na s’ya dahil nagmamadali s’ya kanila.
“Can I have a word with you?” tanong n’ya sa akin.
Bakit naman ako kakausapin ng isang Caius Christian McClay?