Kesa umuwi ako ay naisipan kong dumiretso sa bar. Gusto kong uminom ngayon sa totoo lang. Pagod ako pero gusto ko rin makalimot, nagawa ko naman na ang mga dapat kong gawin at may magbabantay naman kay Lance dahil nandon si Luna para sa kapatid n’ya.
Minsan talaga naiinggit ako kay Luna dahil nandyan si Lance para sa kanya tapos ako wala. Ung taong akala ko makakasama ko sa huli, lolokohin lang pala ako.
Pumasok na ako sa loob ng bar at wala akong pakielam kung para akong tanga sa suot kong damit kumpara sa mga taong nandito ngayon. Wala akong pakielam sa kanila dahil ang gusto ko lang naman ay uminom. Buti nga pinapasok ako dito sa loob ng ganito ang itsura ko.
Wala akong pakielam sa mga matang nakatingin sa akin at dumiretso agad ako sa bar counter para kumuha ng alak. Dito ako tatambay ngayon, may pambayad naman ako at hindi ko na naisip na mahal pala ‘tong bar na pinasok ko.
“Ung malalasing agad ako!” walang preno kong sabi sa bartender.
“Ma’am maaga pa para magpakalasing kayo,” sabi n’ya sa akin kaya pinagtaasan ko s’ya ng kilay. Bakit ba mas marunong pa sa akin ‘to?
“Just give me what I want!” inis na sabi ko sa kanya at napakamot na lang s’ya sa ulo n’ya saka ginawa ang sinabi ko.
Nang magawa n’ya ang inumin ko ay ibinigay na n’ya agad sa akin ‘yon. Ininom ko naman agad at ramdam ko ang pag guhit nito sa sikmura ko ng ubusin ko agad. “Isa pa,” sabi ko sa kanya at wala naman s’yang magawa kung hindi ibigay ang gusto ko.
Hindi ko alam kung nakakailang baso na ako pero hindi pa rin ako tumitigil sa pag inom. Hindi party ang ipinunta ko dito kaya wala akong pakielam sa mga taong nagsasayaw sa likod ko.
Hanggang ngayon sariwa pa rin sa ala-ala ko kung paano ako ginago ng taong akala ko hindi ako lolokohin. Ang tanga ko naman kasi para magpabulag sa kanya! Wala na talagang matinong lalaki ngayon!
“Hey beautiful lady can I sit here?” tawag pansin sa akin ng lalaki sa gilid ko.
Tiningnan ko s’ya at hindi pinansin. Ipinagpatuloy ko lang ang iniinom ko, wala akong balak kumausap ng kahit na sino ngayon. Mukha naman nakuha n’ya ang mensahe na gusto kong sabihin at umalis na. Wala akong oras makipaglandian dahil hindi naman ‘yon ang ipinunta ko dito.
Madami pa ang sumubok na kausapin ako pero wala talaga akong pinansin kahit isa sa kanila. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ko kailangan ng kausap.
Napaayos lang ako ng upo ng biglang mag vibrate ang cellphone ko. Nakalimutan ko pa lang patayin ‘to. Tumayo ako at nagpunto sa comfort room para sagutin ang tawag ni Fhey, isa kong kaibigan. Hindi kasi maingay sa gawi na ‘to.
“Thank God you answered my call Mia!” bungad na sabi n’ya sa akin.
“What do you need Fhey?” tanong ko sa kanya.
“Nasaan ka ba?” tanong n’ya sa akin kaya sinabi ko kung nasaan ako. “Buti pala ikaw tinawagan ko! I need you to do me a favor!” sigaw n’ya kaya nailayo ko sa tenga ko ang cellphone ko.
“Ano?” tanong ko sa kanya.
“I need you to talk to my boss, nandyan s’ya ngayon. I already send to you the files at kailangan mo na lang ipakita ‘yon sa kanya,” sabi n’ya sa akin.
Hindi pa naman ako masyadong lasing pero sumakit ulo ko sa sinabi n’ya.
“Fhey sa tingin mo ba makikita ko dito ung boss mo? Saka katanda na no’n para pumunta dito sa bar.” reklamo ko sa kanya.
Saka wala bang email ung amo n’ya para ako pa ang magpakita ng mga files na kailangan nila. Pwede naman sana n’yang I-email do’n diba.
“Mia ung anak ng amo ko ang tinutukoy ko! Si Caius McClay ang sinabi kong nandyan at gusto ng ama n’ya na makita agad ni Sir Caius ung files eh ang problema hindi sumasagot sa tawag ung anak ng amo ko eh kailangan na ‘yon. Luckily nandyan ka!” sabi n’ya sa akin.
“Bakit ba ako ang naisip mong tawagan?” tanong ko sa kanya.
“Last time I check kasi nagpunta s’ya sa studio n’yo para makipagmeeting sa inyo!” sabi n’ya sa akin. “Please help me!” sabi n’ya at napabuntong-hininga na lang ako.
“Okay fine!” sabi ko at pinatay na ang tawag.
Bumalik na ako pwesto ko kanina at ininom ang alak na order ko kanina. Saan ko naman kaya hahanapin dito si Caius?
“By any chance nakita mo na ba si Caius McClay?” tanong ko sa bartender.
“Nasa VIP po sila,” sabi n’ya sa akin at itinuto ang second floor.
“Thanks,” sabi ko sa kanya at naglakad papunta do’n.
Thankfully busy ung bouncer kaya hindi napansin na naka akyat ako dito sa taas. Habang hinahanap ng mata ko kung nasaan ang anak ng amo ng kaibigan ko nakaramdam ako ng hilo. Mukhang tinatamaan na ata ako.
Ipinagwalang bahala ko muna ang hilong naramdaman ko at hinanap na si Caius, wala naman kasi sa opisina para tawagin ko s’yang sir. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na rin s’ya kaya hindi na ako nag aksaya ng panahon ko at nilapitan na s’ya. Mabuti na lang at wala s’yang kasama kasi nakakahiya naman kung basta ko na lang hilahin ‘tong tao na ‘to sa kasama n’ya diba.
“Ms. Valera, what are you doing here?” tanong n’ya sa akin ng umupo ako sa tabi n’ya.
“Look at this files,” sabi ko sa kanya at inabot ang cellphone ko.
Hindi n’ya ‘yon pinansin kaya napairap ako. “Just look at the files or might as well check your phone para naman hindi ka nakakaistorbo sa ibang tao!” reklamo sa kanya.
“Wala akong iniistorbong tao, ikaw ‘tong kusa na lang sumusulpot sa harap ko!” mariing sabi n’ya sa akin.
“Kung wala eh bakit nandito ako para lang ipakita sa’yo ‘yang files na ‘yan! Pwede ba tingnan mo na lang o kaya kausapin mo ung tatay mo para maka alis na ako dahil kailangan mo raw makita ‘yan!” sabi ko sa kanya.
Sa totoo lang tinatamaan na talaga ako ng alak na ininom ko dahil kung ano-ano na ang sinabi ko. Nahihilo na rin talaga ako.
“You’re drunk!” sabi n’ya sa akin at umiling.
“Kaya ko sarili ko! Bahala ka na nga sa buhay mo!” inis na sabi ko sa kanya at tumayo pero na out of balance ako.
Para naman tumigil ang mundo ko sa mga sumunod na nangyari. Hindi ko alam kung lasing lang ako pero bakit ang labi ko ay nasa labi n’ya.