Malakas na pagkatok ang gumising sa mahimbing kong tulog. inis na inis akong bumangon. Ang aga pa kasi para gisingin ako sa pagpasok sa eskwela. "Nakakainis si Mama nauna pang manggising sa alarm ko."bulong ko. "Mama! Bakit ang aga nyong manggising?"inis kong tanong ng buksan ko ang pintuan ng silid ko. Ang lapad na ng pagkakangiti ni mama ng makita ko sya. "Huh?anong meron?" "Anak mag asikaso kana sa pagpasok sa school dahil kanina kapa hinihintay ng boyfriend mo." Sumimangot ako. "Mama, matagal na kaming wala ni Hermes."sabi ko. Biglang nagbago ang itsura ni Mama. "Hindi sya ang tinutukoy ko si Nikko. kanina pa sya sa labas." Biglang nagising ang diwa ko sa narinig ko. Talagang tinutoo nya na maging legal ang Relasyon namin. Aish! "Mama! Pakisabi sa kanya. Mauna na sya. may sasaky