Part 14: Ang Dalawang Kuya

2986 Words
Ace AiTenshi   Part 14: Ang Dalawang Kuya   Alas 8 ng umaga noong ako magising. Wala na si kuya Sam sa aking tabi. Basta ang natatandaan ko lang kagabi ay ang kasungitan nito. Pag katapos niyang maligo ay nag patuyo siya ng buhok at nahiga sa kama patalikod sa akin. Niyakap ko siya pero hinayaan lang niya ako sa ganoong posisyon ni hindi man lang ako kinibo. At nayon ngang nagising ako ay wala na siya sa aking tabi.   Agad akong bumangon at nag tungo sa sala. Dito nga ay naabutan ko si kuya na umiinom ng orange juice, sa kanyang harap ay may isang slice ng cheese cake. Abala ito sa pag babasa ng pahayagan.   "Good morning kuya." ang bati ko sabay halik sa pisngi nito.   "Good morning. Baho ng hininga mo." ang wika niya sabay balibag ng dyaryo sa sahig. "Gagong Paulo iyan, gumawa pa ng publicity gamit ang larawan niyo. Hayan nasa front page ng mga pahayagan! Ibang klase!" ang dagdag pa nito.   Mabilis ko namang pinulot ang dyaryo sa sahig at tiningnan ang naturang larawan. Kuha ito kagabi kung saan naka ngiti si kuya Pau habang naka akbay sa akin. May caption ang naturang larawan "The Champions!"   Si kuya Pau ay 3x na MvP sa basket ball team sa national at champion din pala siya sa isang singing contest sa ibang bansa. Ako naman daw ay champion naman sa combot battle tournament kaya't sinabing "perfect match" kaming dalawa. Iyon siguro ang hindi nagustuhan ni kuya Samuel kaya't ganoon nalang ito kung maka react. O baka naman talagang mainit lang ang dugo niya sa karibal.   "Iho, kanina ka pala gising. Halika kumain kana." ang pag yaya ni mama sabay akay sa akin. "Mainit ang ulo ng kuya Sam mo kaya't hayaan mo nalang muna siya doon sa sala."   "Mabaho daw ang hininga ko mama." ang sumbong ko naman.   "Medyo lang anak. Sabi ko naman sa iyo mag sisipilyo ka bago matulog at pag kagising. Saka ano bang ginagawa mo diyan sa shopping cart ng papa mo. Baka masira iyan, huwag ka dyan sumakay.” puna pa ni mama noong bigla akong sumama sa cart ni papa na lalagyan ng mga items.   "Masaya kasi dito mama, saka masyadong malamig doon sa kwarto kaya naka hood ako. Nag toothbrush naman po ako kagabi, saka di naman mabaho hininga ko.” depensa ko naman.   "Oo nga tapos ay nahuli pa kitang kumakain ng chocolate doon sa sulok ng ref. Muntik na kitang mapag kamalang daga doon." biro ni mama habang nag hahain sa lamesa.   "Pinagagalitan kasi ako ni kuya Sam kapag kumakain ako doon sa kwarto. Nilalanggam daw siya." katwiran ko naman.   "Kaya nga dapat ay huwag kang nag huhulog ng mugmog doon sa kama nyo at baka papakin kayo ng langgam. Sige kumain kana at baka lumamig pa iyan." ang naka ngiting wika ni mama.   Marami pa akong ikinuwento kay mama, pati yung naramdaman ko kagabi ay nasabi ko rin. Wala naman kasi akong itinatago sa kanila lalo't may kinalaman ito sa  aking kasiyahan. Kapag nakikita nina mama at papa na masaya ako ay umuukit rin ang ibayong tuwa sa kanilang mga mukha kaya't iyon ang labis kong ipinag papasalamat.   At habang nasa ganoong pag kain ako ang siya namang pag sulpot ni kuya Sam sa kusina. Naka gayak ito suot ang skinny maong pants at puting shirt na pakat na pakat sa kanyang bilugang braso. Amoy na amoy rin ang kanyang pabango sa katawan kaya naman kapwa kami ni mama napa hinto ng pag kain. "Samuel, naiiwan ang amoy mo dito sa kusina, baka mag lasang pabango mo ang pag kain." ang wika ni mama.   "Mainam nga iyon ma, para bumango naman ang hininga ng isang batang matakaw diyan." ang wika naman ni kuya. Alam kong ako ang pinariringgan niya kaya't napanguso na lamang ako.   "Saan ba ang lakad mo?" tanong ni mama.   "May lakad ang barkada. Hindi ako rito mag hahapunan kaya't huwag niyo na akong hintayin. Nasaan yung susi ng sasakyan ko?" ang tanong nito habang kinakapa ang bulsa ng mga organizer na nakasabit sa ding ding.   "Sasama ko kuya." ang hirit ko naman.   "Hindi pwede." sagot niya.   "Eh bakit naman?" tanong ko   "Dahil ayoko. Huwag makulit." ang sagot niya na may halong pag susungit.   "Maaa si kuya nga sinisigawan ako." pag susubong ko at doon ay nagulat ako ng bigla akong kinutusan nito. "Arekuupp, maa o si kuya ngaaaa!"   "Subong pa more! Loko!" wika niya sabay alis sa kusina   "Samuel, layuan mo nga iyang kapatid mo. Pang asar ka eh." suway naman ni mama.   Edi ayun nga ang set up umalis nanaman si kuya at iniwan naman niya yung mga gamit doon sa kwarto na naka sabog. Yung mga maduming damit ay naka kalat sa sahig, yung sando at brief nya ay naka kalat sa banyo yung mga pabango ay naka sabog sa kabinet. Ewan, parang sinasadya nalang ni kuya Sam na inisin ako ng husto. Pag nakita ito ni mama tiyak na magagalit nanaman iyon. "Naku Ace, ano nanaman ba iyan? Parang bodega ang silid nyo ni Samuel. Bakit sabog sabog lahat ng gamit?" iyan ang sabi ni mama noong pumasok ito sa kwarto.   "Eh si kuya po nag kalat nito, sinasadya po niya na pahirapan ako." pag mamaktol ko naman.   "Tawagin mo na lamang yung mga kasambahay na walang ginagawa doon sa labas. At naparito pala ako para sabihin na may bisita ka doon sa sala. Nandyan yung anak ni Commander De Dios." ang wika ni mama.   Hindi ko naman alam yung mararamdaman ko noong mga sandali iyon. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa unang pag kakataon ay may dumalaw na bisita sa akin, pero may takot rin dahil tiyak na magagalit si kuya Sam. Ayaw pa naman niya na may dumidikit na ibang lalaki sa akin at ang sama ay karibal pa niya ito simula elementary. "Hijo, ano pang iniisip mo dyan? Bumaba kana doon sa sala. May cheese cake doon sa ref at may pasta sa kusina iyon nalang ihain mo." ang wika ni papa.   Agad naman akong bumaba sa sala at doon nga ay nakita ko si Kuya Pau na pinag kakaguluhan ng mga kasambahay. Lahat sila ay may hawak na cellphone at sumeselfie sa bisita. Kung sa bagay mas approachable kasi si kuya Pau na parating naka ngiti kaysa kay kuya Samuel na parating seryoso ang mukha bagamat pareho sila mas gwapo. Ay hindi, mas gwapo ng kaunti si kuya Samuel.   "Tol para sa iyo." bungad ni kuya Pau sabay abot ng isang kahon tsokolate. "Sabi sakin ni tito (papa ni Ace) ay paborito mo raw ang mga iyan."   "Paborito niya talaga ang mga iyan, kagabi nga ay nahuli ko iyang naka suot doon sa sulok ng ref at kumakain ng tsokolate. Hindi pa nag sisipilyo iyan hanggang ngayon." ang pang aasar ni mama.   Natawa si kuya Pau. "Yamo na tita, cute naman si Ace kaya't kahit mabaho ang hininga ay madadala pa rin" biro niya sabay gulo sa aking buhok.   "Eh bakit po nandito ka kuya?" tanong ko naman habang nag hahain ng minandal.   "Yayain sana kitang lumabas. Naboboring kasi ako doon sa bahay. Postponed kasi yung practice game namin ngayon." wika niya.   "Edi tara na sa labas. Doon tayo sa duyan." pag yaya ko dahilan para matawa ito. "Ang ibig kong sabihin ay doon sa labas, malayo dito.. Sa mall o kaya ay sa restaurant. Hindi diyan sa bakuran niyo."   "Ahh edi sana po sinabi mong sa mall o sa kainan." ang biro ko rin..   Tawanan..   Agad akong nag bihis at nag ayos ng sarili. Wala naman akong ibang damit kundi tshirt at short saka rubber shoes na mag kakaterno ang kulay. Disenyo kasi ito ng kompanya ni papa ayon sa aking baterya. Kapag suot ko ang mga ito ay parang nag otomatikong nag rerecharge ang aking katawan. Parang power bank kuno ng mga cellphone at ibang kagamitan sa bahay.   Tuwang tuwa naman si kuya Pau sa aking get up dahil lalo raw akong nag mukhang bata kaibahan kagabi sa event na mukha daw akong binata. Syempre ay natutuwa naman ako dahil parati niya akong pinupuri. Buong byahe yata namin ay wala itong ibang sinabi kundi magagandang bagay na tungkol sa akin batay sa nakikita at naririnig niya mula sa  iba.   Nag tungo kami sa isang pribadong kainan sa siyudad. Huwag raw sa maraming tao dahil baka sundan kami ng paparazzi at malagay nanaman sa dyaryo ang aming mukha. Tawa naman ang isinukli ko bagamat natatakot rin ako dahil baka malaman ni kuya Sam na lumabas kaming dalawa. Tiyak na magagalit iyon sa akin mula ulo hanggang paa. "Simula elementarya ay mag kalaban na kaming dalawa ni Sam, mula sa pagandahan ng gamit sa eskwela katulad ng sapatos, bag mga note book at laruan. Kapag may usong damit o kaya ay gadget unahan kaming bumili at tiyak na iinggitin namin ang isa't isa. Minsan nga ay naging mag kateam kami sa basketball pinag agawan namin ang bola at nag unahan kung sino ang unang makaka shoot. Ang resulta ay natalo ang school namin. At ang hindi ko makakalimutan ay iyong pag susuntukan naming dalawa dahil sa laruang robot na tinda sa isang shop. Last model na kasi iyon kaya't pinag awagan namin hanggang sa masira ito. Ayun kapwa kami nadala sa guidance office." natatawang kwento ni kuya Pau.   "Para po pala kayong aso't pusa ni kuya Sam. Pwede naman kayong maging mag kaibigan basta walang angasan at yabangan." ang naka ngiti kong tugon.   "Im sure aawayin ako ng kuya Sam mo dahil dinala kita rito sa labas. Overprotective pa naman iyon sa iyo." wika niya.   "Eh paano nyo po nalaman?" tanong ko ulit.   "Syempre, ang lahat ng mga kuya ay overprotective sa mga nakababata nilang kapatid. Ganyan din ako sa kapatid ko dati noong nabubuhay pa siya." naka ngiting wika nito.   "Nabubuhay? Ang ibig mong sabihin ay wala na siya?" pag lilinaw ko.   "Oo, kung nabubuhay siya marahil ay kasing laki mo na sya ngayon. Naaksidente siya, nasagasaan ng rumaragasang sasakyan iyon ang dahilan ng kanyang pag panaw. Umabot rin ng ilang taon bago ko natanggap na wala na siya sa akin. Kaya naman noong nakita kita sa combot tournament ay naalala ko siya sa  iyo. Mag buhat noon ay naging taga hanga mo na ako. Ibang klase ka kasi talaga, hindi ako makaniwala na isa kang makina. Batang bata at taong tao ang anyo mo, ang iyong mata, ngiti at emosyon ay walang pinag kaiba sa amin. Made in ano kaba?" biro ni Kuya Pau.   "Made in tha Philippines po." ang sagot ko naman sabay ngisi pero maya maya ay binawi ko rin ito at muling sumeryoso ang aking mukha. "Sorry po sa pag kawala ng kapatid mo. Ikinalulungkot ko."   "Ayos lang iyon, alam kong masaya  na siya ngayon kung nasaan man siya. Tekaa, nagiging emo tayong dalawa dito. Dapat ay masaya tayong dalawa ngayon." ang tugon niya.   Ngiti naman ang isinukli ko sa kanya at ipinag patuloy ko ang aking pag kain. Minsan naiilang lamang ako dahil pinapanood nya ako habang naka ngiti na animo nanloloko lang bagamat pag gwapo siya ng pagwapo habang tumatagal. Marami pa kaming pinag kwentuhan noong mga sandaling iyon, tungkol sa combot, sa pag lalaro niya ng basketball at sa mga bagay na pinag kaka abalahan niya. Nakaka tuwa lang isipin na niya robot o makina ang turing niya sa akin kundi isang tunay na tao kaya naman halos hindi mabakbak ang ngiti sa aking labi.   Pag katapos kumain namasyal pa kami sa ibang lugar, sa magagandang parke, mall, at maging sa kampo ng kanyang papa ay dinala rin ako. Wala naman akong ibang lugar na alam kung saan ko siya maaaring imbitahin, alangan namang dalhin ko siya doon sa itaas ng tore kung saan ako nakatambay madalas.   "Salamat sa oras tol, ang saya ng araw na ito." ang wika ni kuya Pau noong ihatid nya ako sa bahay alas 7 ng gabi.   "Wala iyon kuya, nag enjoy din po ako. Salamat sa masarap na pag kain. Sa uulitin po." ang sagot ko naman. "Gusto mong mga kape sa loob?" ang alok ko.   "Hindi na tol, dadaan pa ako sa opisina ni mama para sunduin siya. Salamat nalang." tugon niya habang naka ngiti.   "Ingat po kuya Pau." ang tanging nasabi ko bago niya muling sstart ang sasakyan.   Masaya akong pumasok sa terrace, ni hindi ko na namalayan ang daloy ng oras. Parang kanina lamang ay umaga tapos ngayon ay gabi na pala, ganoon kadali ang araw na lumilipas kapag masaya ka. Nag kataon lang siguro na parati akong naka kulong sa bahay kaya't naninibago ako. At dahil nga sa sobrang tuwa ay hindi ko na naalala pa si kuya Samuel hanggang sa bumulaga sa akin ang kanyang kili kili may makapal na buhok at bilugang braso na naka harang sa haligi ng pinto. "At saan ka galing? Bakit ngayon ka lang umuwi?!" ang galit na tanong nito.   Hindi naman ako nakapag salita agad, napatingin ako sa kanya habang pinag papawisan ng malamig. "D-do-doon lang po k-kuyaa" ang sagot ko naman.   "Saan doon? Bakit may kasama kang ibang lalake?" ang tanong ulit nito kaya naman labis akong kinabahan at natakot. Agad akong lumusot sa pinto sa pamamagitan ng pag daan  sa ilalim ng kanyang braso na animo daga. Agad akong nag tatakbo sa kusina kung saan nandoon si mama at nag tago sa kanyang likuran. "Anong problema?" tanong niya.   "Ma, si kuya galit po siya sakin." ang bulong ko.   "Galit? Bakit naman? Paano mo nasabi?" tanong ulit ni mama.   "Basta, sabi ng kili kili nya. Nandyan na siya maaaa" ang wika ko naman habang naka tingin ka kuya na lumalakad patungo sa  kusina.   "Samuel, bakit ba natatakot itong kapatid mo? Galit ka daw?" tanong ni mama.   "Hindi ah, masaya nga ako ngayon ma.. Baka naman umaarte lang iyang si Ace. At saka bakit naman ako magagalit sa baby bro ko eh mahal na mahal ko yan. Halika na nga dito baby ko kutchi kutchiii.. Lika naaa." ang malambing na wika ni kuya at ginawa pa akong isang kuting.   "Oh iyon naman pala, hindi naman pala galit ang kuya Sam mo. Sumama kana sa kanya at mag bihis." wika ni mama.   "Wag ka maniwala sa kanya mama. Hindi po totoo yung sinasabi niya. Nag papanggap lang iyan." ang bulong ko.   "Sino naman ang nag sabing nag papanggap ang kuya mo, napaka bait nga niya oh. Sama kana na." tugon ulit ni mama habang inaalis ako sa pag kakayakap sa kanya.   "Yung kili kili nya mama. Bastaaaa." ang sagot ko naman.   "Ace, nag luluto ako. Sumama kana sa kuya mo at pag palit kana ng damit." ang utos ni mama sabay hila sa akin palapit kay kuya.   "Huli ka ngayon! Este halika na baby bro ko." ang wika ni kuya sabay hila sa akin sa sala.   Pag tapat sa hagdan ay itinulak nya ako at nag utos "Akyat! Doon ka sa itaas! Gago ka, lalandi ka lang mag papa gabi ka pa!" ang gigil na wika nito kaya naman umakyat ako sa itaas at sinundan nya ako doon.   Noong mga sandaling iyon ay wala akong naisip kundi ang dumiretso sa aking silid at doon ay mag kulong upang makatakas sa unlimited na sermon ni kuya ng bigla niya akong hilahin sa buhok. "At saan ka pupunta?" tanong nito.   "Sa kwarto ko po." sagot ko naman.   "Hindi dyan ang silid natin kundi rito." tugon niya sabay tulak sa akin papasok sa aming silid.   "Eh kuya bakit ba galit na galit ka? Wala naman akong pinasukang gulo doon sa bayan." ang tanong ko.   "Dahil malandi ka, bakit kasama mo yung supot na Paulo na iyon? Ha? Sagot!" ang gigil na tanong niya.   "Hindi naman po supot si kuya Pau eh, ganyan din sayo yung kanya. Nag katabi kasi kami sa cubicle ng cr sa mall kaya nakita ko." ang kaswal kong sagot na  walang halong malisya.   "Tado ka! Nag landi ka na nga nanilip ka pa." ang wika nito sabay kutos sa aking ulo.   "ARRRAYYY KUYA WAG POOO! WAG PO KUYAAAA!!!" ang malakas kong sigaw dahilan para takpan niya ang aking bibig.   "Samuel ano ba iyan? Inaaway mo ba yang kapatid mo?" narinig naming tanong ni papa mula sa ibaba.   "Wala po paa, nag bibiruan lang kami ng Ace." sagot ko ni kuya habang naka takip ng kanyang kamay ang aking bibig.   "Hindi ka lalabas buong mag hapon bukas. Pasaway ka talaga, siguro gusto mo rin si Pau hano? Tama ba? Ano gusto mo siya?" ang dagdag pa niya habang hawak ng mahigpit ang aking braso.   "Hindi po kuya. Nasasaktan po ako." ang tugon ko ngunit di niya ako pinakinggan.   Halos umabot ng ilang minuto ang pag sesermon ni kuya Sam, ang ibang sinasabi niya ay hindi ko na halos maiproseso sa aking utak. Basta ang alam ko lang ay galit ito dahil sa pag labas namin ni kuya Pau. Bagamat wala naman kaming ginawang masama, masyado lamang talagang over acting itong si kuya Sam kaya't ganoon na lamang siya kung magalit.   Noong gabing iyon ay hindi na ako naka kain ng hapunan, hindi ko namamalayan na naka tulog na pala ako sa kaka sermon ni kuya sa akin. Mistulang naging pampatulog ko na ang kanyang boses na masakit na sa tenga. Gayon pa man batid kong mahal lamang niya ako at ayaw niyang may masamang mangyari sa akin sa labas. Iyon na lamang ang anggulong tinitingnan ko sa tuwing pag gagalitan niya ako.   itutuloy..      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD