Hindi alam ni Mikel kung ano ang reaksyon ng kan’yang mukha nang mapasadahan ng tingin ang mukha ng babae na matagal na niya na ninais na makita. "Mi-Mikel" pabulong nito na tawag sa pangalan niya nang makalapit siya rito. Muli pa na tinitigan ni Mikel ang babae sa kan’yang harapan at gaya sa sinabi sa kan’ya ay buntis nga siya. "Surprised to see me?You think you can simply walk away and turn your back on me?" May diin sa bawat mga salita na lumalabas sa bibig ni Mikel. "I-I’m sorry." Nauutal na sagot sa kan’ya ng babae. "Sorry? Sorry for what? Sorry for being pregnant while I lost my child? Sorry for ruining my life? Masaya ka ba, Janine? Masaya ka na ba na sinira mo ang buhay ko? Are you happy that you killed my angel and ruined my married life?" Sunod-sunod na tanong ni Mikel kay Ja