Kaaalis lamang ni Wyatt upang bumalik sa Maynila. This is their weekly schedule, apat na araw si Wyatt na kasama nila ni Lou rito sa Baguio at tatlong araw naman sa Maynila upang asikasuhin ang kanilang maliit na negosyo at ang pagtulong sa kumpanya pa rin ng mga magulang niya. It’s been two days pagkatapos ng tagpo na iyon sa mall. Ang tagpo na hindi inaasahan ni Tamara pero lubha na nakasakit sa kan’ya. And she kept everything from Wyatt. Nagpanggap siya na maayos ang lahat at nagbago na lamang ang kan’yang isip kaya hindi na siya tumuloy sa bakeshop. And she is thankful na mabilis na naniwala sa kan’ya si Wyatt. Hanggang sa makauwi sila ay patuloy siya na nagpanggap na masaya siya at ipinakita pa rin niya ang pagiging normal na makulit at pasaway niya sa kabila ng sakit ng kalooban ni