"You look exhausted again, Mikel. And this time, sigurado ako na hindi dahil sa gabi-gabi na ligaya ang dahilan niyan." Ito ang bungad ni Stan sa kan’yang kaibigan nang puntahan niya si Mikel sa opisina nito. "We fought again." Ang walang kabuhay-buhay na sagot lamang ni Mikel kahit ang atensyon ay nakatuon pa rin sa mga dokumento sa kan’yang lamesa. "Again? Ano na naman ang rason?" Hindi maiwasan na magtanong ni Stan. Naaawa na rin siya kay Mikel at hindi niya na rin lubos na maintindihan kung bakit mukhang ang kabigan pa niya ang sinisisi ni Tamara sa mga nangyari. "The usual. Mga simple na bagay na pilit niya na pinalalaki. It just started with a f*****g meal. Masama ba na gustuhin ko na kumain naman siya at tumigil sa pag-iyak? Is it so wrong of me na mag-alala para sa kan’ya? But f