Chapter 44 - An Enjoyable Married Life

1245 Words
"Walanghiya! You look exhausted, Mikel. What the hell happened to you? Ayos ka lang ba? Sa bahay ka na nga nagtatrabaho, pero mas lalo ka naman na nagmukha na wasted. Saan ka ba na-wasted?" Natatawa-tawa na tanong ni Stan kay Mikel isang araw nang magpunta siya sa opisina. "Happy married life." Tipid na sagot niya sabay umupo sa silya sa harapan ng lamesa ni Stan. "Happy married life pa ang itsura na ‘yan? At himala na nakatakas ka sa asawa mo ngayon. Where is she, by the way? Is everything going well with the pregnancy?" Ang mga tanong na iyon galing kay Stan ay nagpasilay na muli sa mga ngiti sa labi ni Mikel. At ang saya niya na iyon ay hindi nakaligtas sa kan’yang kaibigan. "Mukhang masayang-masaya ka nga sa buhay may asawa mo, Mikel." "Sobrang saya. It may be exhausting, pero hindi mapapalitan ang saya na nararamdaman ko." Nagniningning pa ang mga mata ni Mikel sa kan’yang sinabi. "And I am happy for you, bro. You deserve this happiness." Tunay na tunay rin ang saya ni Stan para sa kaibigan niya. Nang mga panahon na lokohin ni Janine si Mikel, ang akala ni Stan ay hindi na makakaahon pa ang kan’yang kaibigan sa sakit. Akala niya ay tuluyan na nito na sisirain ang buhay. And he really thought that he did, lalo nang magpakasal si Mikel sa isang babae na nakilala lamang sa kung saan. But that marriage changed everything for his friend. Natagalan lamang ang dalawa na magka-aminan, but everything turned out fine at the right moment and at the right time. "Kung alam ko lang na ganito ka horny ang mga buntis, binuntis ko na agad si Tamara pagkapakasal pa lamang namin." Namilog ang mga mata ni Stan sa gulat sa sinabi ni Mikel. "You mean, kaya ka parang pagod na pagod?" Hindi makapaniwala na tanong ni Stan. "You can say that. Something like that. But it is all worth it. Tang-ina! Stan, ang lakas ng stamina ni Tamara, at kadalasan ay ako na nga ang gusto na sumuko sa pagod. But who am I to complain when I am liking every minute and every second of it?" "Parang gusto ko na rin na bumalik ng Mindoro at maghanap ng isang babae na lasing na pakakasalan ko at bubuntisin." "Loko ka talga! But I am telling you, when you meet the woman that is destined for you, everything will change. Kaya ngayon pa lamang ay tigilan mo na ang pagiging playboy mo at simulan na hanapin ang babae na itinakda para sa’yo." Mikel’s happiness is visible to anyone. Kahit ang mga empleyado sa kan’yang opisina ay takang-taka sa kakaiba na awra ng kanilang amo. At ang mas lalo na nagpasaya kay Mikel kanina ay nang marinig niya ang kan’yang mga empleyado na sinasabi na bagay na bagay sila ni Tamara. It may be shallow, but he has waited for that moment. Ang tagal niya na ninais na sila naman ni Tamara ang pag-usapan sa opisina, at hindi ang kan’yang asawa at si Wyatt. And now, he is enjoying hearing it from them. Pagkatok sa pintuan ng opisina ni Stan ang nagpatigil sa dalawa. At nang bumukas ang pinto ay mukha ni Tamara na naka-ismid na naman ang bumungad sa kanila. Mabilis na nag-alala si Mikel nang makita ang reaksyon ng misis niya. "What’s wrong, sweetie? Why are you frowning again?" Nag-aalala na tanong ni Mikel, kaya hindi maiwasan ni Stan na mairolyo ang mga mata niya sa nakikita na sobra na pagka-OA ng mag-asawa sa kan’yang harapan. "Beb, iniwan mo ako sa opisina mo. Ang akala ko ay may meeting ka, wala naman pala at si Stan lang ang kausap mo." "Nasa meeting kami, Tamy." singit naman ni Stan, kaya matatalim na titig ang ibinalik sa kan’ya ni Tamara. "Ikaw ba ang beb ko, Stanford? Bakit ka sagot nang sagot kahit hindi ikaw ang kinakausap?" mataray na balik pa ni Tamara. Sasagot pa sana si Stan ngunit isang nanggigigil na sulyap mula kay Mikel ang nakamit niya. Itinaas na lamang niya ang dalawang kamay at iminuwestra pa ang pag-zipper ng kan’yang bibig. "Sorry, sweetie, may pinag-usapan kami ni Stan na mga ilang bagay para sa trabaho. Alam mo naman na ngayon lang ako nakabalik muli rito sa opisina." "Sinisisi mo ba ako kung bakit hindi ka nakakapasok?" "What?! No! Of course not, bu." "Bakit hindi na lang si Stan ang pinapunta mo sa opisina mo? Bakit ikaw pa ang kailangan na pumunta rito? Are you hiding something from me?" Pigil na pigil ang tawa na nais kumawala kay Stan sa mga nakikita niya na eksena sa kan’yang harapan. Ang masungit at laging galit na kaibigan niya na si Mikel ay nag-iba na. Hindi man lamang nito na magawa na makahirit sa asawa na amasona. Kung dati si Tamara ang tumitiklop sa kanilang dalawa ni Mikel, ngayon ay si Mikel na iyon. At gustong-gusto ni Stan na nakikita ito upang may pang-asar siya sa kaibigan niya. Mikel rose from his seat. Frustration is very evident dahil hindi na naman niya alam kung saan nagmumula ang mga walang basehan na hinaing na ito ng asawa niya. Lumapit siya kay Tamara at hindi alintana ang presensya ng kaibigan niya. Sigurado siya na aasarin siya nito, pero wala na siyang pakialam pa. Higit na importante sa kan’ya na hindi sila magtalo ng misis niya. "Wala akong itinatago sa’yo, at hinding-hindi ako magtatago sa’yo ng kahit na ano. I’m sorry, okay?" "Sigurado ka? Hindi mo ako ipagpapalit sa iba kahit magmukha na ako na balyena kapag malaki na ang tiyan ko?" Paniniguro pa ni Tamara sa asawa. Mabilis naman na tumango si Mikel at hinawakan pa ang kamay ni Tamara. "Hinding-hindi kita ipagpapalit kahit kanino. You are enough and you are perfect in my eyes." "Wow! Ang cheesy ninyo lang. Lintik! Para akong nanonood ng teleserye sa ginagawa ninyo. Ang dami na ng langgam dito sa opisina ko, kaya puwede ba, tsupi na kayong dalawa." Hindi na napigilan na maibulalas ni Stan. Pinapanindigan na siya ng balahibo sa mga eksena na nakikita niya sa mag-asawa sa harapan niya, at hindi niya malaman kung maiinggit o maiinis sa dalawa. "Inggit ka lang!" hirit pa ni Tamara sa kan’ya. "What do you want, bu?" Pagpuputol na ni Mikel sa dalawa dahil baka muli ay mauwi na naman sa pagbabangayan ang simple na paghihiritan ng misis at kaibigan niya. "You." Walang kagatol-gatol na sagot ni Tamara sa kan’ya. Pareho na natigilan sina Mikel at Stan, at pareho rin sila na nagkatinginan. Napakagat pa sa ibabang labi niya si Mikel dahil sinusubukan niya na pigilan ang kan'yang tawa sa reaksyon ni Stan sa narinig buhat kay Tamara. "Uwi na tayo, baby." Makahulugan na dagdag pa ni Tamara. Tangi na pagtango lamang ang naging tugon niya at mabilis na ipinulupot ang braso sa beywang ng asawa niya. Nang humarap si Mikel kay Stan ay pareho na nangungusap ang mga mata nila. "Paano, Stan, mauna na kami. I’ll see you next week." "Bye, Stan." Nakangiti na pagpapaalam pa ni Tamara dahil sa muli ay nakuha niya ang nais niya. Iiling-iling na lamang si Stan na hindi na nakatugon at hinabol na lamang ng tanaw ang mag-asawa na papalabas sa kan’yang opisina. And Mikel is right. He indeed has a happy married life despite the exhaustion. Parang gusto na rin talaga niya na makahanap ng babae na pakakasalan at bubuntisin. Sana lamang ay hindi amasona na gaya ni Tamara ang makita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD