Chapter 46 - Wyatt's Pain

1593 Words
What is the meaning of love? Is it really choosing to let go to have the person you love have her happiness? Is truly letting go equated with demonstrating how much you love someone? Lintik! Ito na lang lagi ang mga tanong na paulit-ulit na gumugulo kay Wyatt. He tried so hard to act nonchalant. He tried so much to act as if he didn’t care. But f**k it! He’s dying inside knowing that Tamara and Mikel will be having their sweet little family. Masyado na nga ba siya na nahuli para iparamdam at ipakita kay Tamara ang tunay niya na nararamdaman? But he knows that he never failed to show her and make her feel important. Mas may mga pagkakataon pa nga na naipakita niya kay Tamara ang pagmamahal niya kaysa sa asawa nito na pinsan niya. But Tamara is just so naive to believe that he is only after their friendship. At ngayon ay gusto na niya na magsisi kung bakit sinabi pa niya sa babae na gusto niya na pagkakaibigan lang ang pakay niya. Tanga talaga! Ang tanga-tanga mo talaga, Wyatt! He can’t help but battle with himself, knowing that at this point, fighting for his love for her is futile. Kung noon nga na wala pang anak na pinag-uusapan ay mas matimbang na si Mikel kay Tamara, sigurado na mas lalo ngayon dahil may munting anghel na sila na nabuo. And he can’t stop being envious of Mikel. Bakit lagi na lang na si Mikel ang nakakakuha ng lahat? Is he not good enough to have his own happiness? And after that call from Janine, mas lalo lamang na sumakit ang puso niya. He knows he can’t have Tamara, but he is not as selfish as Janine thought he might be. Mas nananaig pa rin ang pagmamahal na mayro’n siya para sa babae na mahal niya, kaysa ang maging makasarili at sirain ang bagay na lubos na nagpapakumpleto sa kan’ya. He can never be happy if Tamara is hurting. Yes, as shitty as it sounds, Wyatt might have found true love in Tamara. Kahit siya ay hindi sigurado sa kan’yang nararamdaman, at kahit siya ay nalilito sa mga ikinikilos niya. But one thing he is sure of is that he doesn’t want to see her hurt or cry. He is willing to give up his own happiness just to see her happy. And f**k, if that is not true love, he doesn’t know what to call it anymore. Wyatt has been trying his best to fix his life. He wanted to be better for Tamara, but it was all too late for him. She loved his cousin, and he couldn't fight that. Inggit na inggit siya kay Mikel noong gabi na magtagpo-tagpo sila sa business party na iyon. He saw how happy he was with Tamara. Mikel never looked that happy, even during his time with Janine. Noon mga panahon kasi na sina Mikel at Janine pa ay masyado na nakukurta ang utak ng pinsan niya kapag hindi nasusunod ang mga plano nito. And Janine, always make it a point, na sirain ang mga plano ni Mikel. Pero nang gabi na iyon, and everyday there after, nakikita niya ang ningning sa mga mata ng pinsan niya. And those eyes reflect pure happiness and bliss, kahit pa sabihin na isang pasaway at wala rin sa plano ang asawa nito na si Tamara. Noon ang nais lamang ni Wyatt ay pasakitan si Mikel, kaya paulit-ulit niya na inaagaw ang mga nobya nito. Then Tamara came, and everything seemed different. He is not doing things to get back at Mikel, but because he truly wants Tamara to be his. And as awful as that sounds, handa siya na gawin ang lahat nang magagawa niya upang makuha lamang ang babae na gusto niya. But now this is way different. He is willing to admit his defeat for Tamara to be happy. A beep on his cellphone alerted him, and a smile graced his face as he saw who had texted him. "Hey, Wyatt, I miss you." Tatlong salita lamang iyon na nagpadagundong ng puso niya at ang kanina na sakit ng kalooban na nararamdaman niya ay napalitan agad ng saya at galak. Para siyang tanga na akala mo ay teenager na may crush. Pero hindi niya lang basta crush ang nag-text sa kan'ya, mahal niya. Mahal na mahal niya na si Tamara. Imbes na sagutin ang text ay mabilis siya na nag-dial sa kan’yang telepono. Ilan pag-ring pa lamang ay sinagot na agad ang tawag. "Hello, Wyatt! I miss you!" Masayang tinig ang bumungad sa kan’ya sa kabilang linya. "Hey, peaches, I miss you too. Akala ko ay nakalimutan mo na ako dahil sa masayang-masaya ka na sa pamilya na binubuo ninyo ni Mikel." Halata sa boses ni Wyatt ang kan’yang pagtatampo. And why would he not? Hindi sinabi sa kan’ya ni Tamara ang katotohanan sa pagbubuntis nito, at sa halip ay nalaman pa niya ito sa kan’yang ama kung hindi pa nabanggit ng ina ni Mikel na si Marlene. "Wyatt, sorry na." Sino ba naman ang patuloy na maiinis kapag gano’n na kalambing ang boses ng babae na kausap niya. "Miss na nga kita kasi ang tagal mo nang hindi nagpapakita sa akin." "Kung alam mo lang din kung gaano kita ka-miss. I wanted to see you but I can’t. Alam mo naman ang asawa mo na praning. Malamang sa malamang ay magwawala na naman iyon at ayaw ko na makasama sa’yo ang ma-stress dahil sa amin. You need to take good care of the baby, Tamy." At kahit hindi siya ang ama nang dinadala ni Tamara ay nais niya na maging maayos ang pagbubuntis ng babae. "I’m sorry dahil hindi ko nasabi sa’yo." Malungkot na balik sa kan’ya ni Tamara. And he knows she is referring to her pregnancy. At kahit na totoo na nagtatamppo siya ay hindi na iyon mahalaga pa. He doesn’t want Tamara to feel sad about anything at all. "Hey, peaches, it doesn’t matter. As long as you’re happy, I am happy. And I am really happy for you." "Bakit ang bait mo yata sa akin ngayon?" "Natural, kasi buntis ka, kaya pagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo. Pero kapag nakapanganak ka na ay babawian kita sa lahat-lahat ng mga ginawa mo sa akin." "Hmp! Akala ko pa naman ay sincere ka." Pagtatampo pa kunyari ni Tamara. "I am sincere, Tamy. I am happy for you. Your happiness is my happiness. Your dreams are my dreams." Because that’s how much I love you, nais niya na idagdag, pero alam niya na hindi maaari. Ayaw niya na mawala sa kan’ya si Tamara kapag malaman nito na iba ang nararamdaman niya para sa kan’ya. "Hoy, Wyatt! Bakit ganyan ka ha? Parang may laman na ‘yan mga salita mo. Umayos ka riyan, hindi ako ma-fa-fall sa mga pa-sweet mo na iyan dahil nahulog na ako at nasalo na ako ng asawa ko. Lekat ka! May usapan tayo, masasapak talaga kita kapag umamin ka sa akin!" Hindi alam ni Tamara kung gaano kasakit para kay Wyatt ang marinig na hulog na hulog siya sa pinsan niya. Parang dinudurog ang puso ni Wyatt sa sakit na nararamdaman niya. And this was the first time that he felt this kind of pain. Screw being in love! "Hoy, babae na hindi pa pala naka-graduate sa pagiging assumptionista, hanggang ngayon ay bilib na bilib ka pa rin sa sarili mo?" Kunyari na lang ay pang-iinis niya sa kaibigan niya, kahit na ang puso niya ay luhaan na sa mga sinabi nito. "Talagang bilib ako sa sarili ko. Hindi man ako kagandahan, ma-appeal kaya ako. Kaya nga hulog na hulog din sa akin ang asawa ko eh. And take note, Wyatt, si Mikel Lucero iyon. Si Mikel Lucero lang naman ang in love na in love sa best friend mo." And hearing her say that just added salt to his injury. Alam na alam ni Wyatt kung gaano kahulog ang pinsan niya sa babae na mahal niya, kaya nga ganito na lang rin siya kung masaktan. Alam niya at alam din niya na wala siyang laban. Wala siyang laban kung pareho na sila na hulog na hulog at mahal na mahal na ang isa’t-isa. "Anh dami mo na naman na sinasabi. Sige na, maganda at ma-appeal na buntis, magpahinga ka na." Pagpapaalam na niya. As much as he wants to talk to her, his pain is so great that he can no longer pretend to be happy. "Hindi mo man lang ba ako dadalawin? Pumayag na si Mikel na dalawin mo ako habang buntis ako. Sige na, Wyatt, puntahan mo ako ha. I miss you. I miss you my best friend." At sa gitna ng pilit na ngiti na inilabas ni Wyatt kahit na hindi siya nakikita ni Tamara ay ang pagtulo ng kan’yang mga luha. He is just a best friend. Hanggang kaibigan lamang ang tingin sa kan’ya ng bababe na mahal na mahal na niya. "I’ll see you, best friend." Pilit niya na itinatago ang luhaan na tinig niya. "That’s a promise, Wyatt, okay? See you, love you, bestie." "I love you, peaches." At kasabay nang pagsabi niya ng mga salita na iyon ay ang pagputol na niya sa tawag. He can’t let her hear his silent cries and silent pains. Kung alam lamang ni Tamara na ang I love you niya na iyon ay hindi bilang best friend. It is much more than that. He loved her so much that he is dying because he is in the friendzone with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD