Sakto na isang linggo sa ibinigay ni Chad na taning ay bumiyahe kami pabalik sa Maynila. Wala sa hinagap ko ang katotohanan sa sinabi ni Stan na milyonaryo ang asawa ko. Bukod kasi sa mga hindi praktikal na paggastos na ginagawa ni Mikel ay hindi mo siya kababakasan na parang tulad sa mga nakasanayan ko na mayayaman.
Marunong siya sa mga gawain sa bahay at hindi parati na nakaasa sa mga utusan. Kahit na malimit ang pagdirekta niya ng mga gawain kay Stan patungkol sa kanilang business ay hindi mo siya kababakasan ng mga nakagawian ng mga mapang-mataas na mayayaman na akala mo lahat ay nabibili ng kanilang pera.
Sakay kami ngayon ng pribado na yate ni Mikel at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha rito. Ito ang unang pagkakataon na nakasakay ako sa ganito. Ang dami ko yata na bucket list na magagawa at makokompleto sa dalawang taon na pagsasama namin ni Mikel kapag nagkataon.
"Misis ni Mikel." Pang-uurat na naman sa akin ni Stan kaya agad na napasimangot ako nang harapin siya.
"Wala ka talaga na magawa ano? Alam mo na nga na Tamara ang pangalan ko, pilit ka pa rin nang pilit na itawag sa akin iyan."
Ngising-aso na naman ang walanghiya na ito na naging panata na yata ang sirain ang araw-araw ko. "Bakit, ayaw mo ba?"
"Mukha ba na gustong-gusto ko, ha? Ano sa tingin mo?"
Binunggo pa niya ako sa balikat at tumayo sa aking tabi. "I like you!"
Nanlalaki ang mga mata na tiningnan ko siya habang nakakunot ang aking noo. "Ay, hala! Tarantado ka ba? Asawa ako ng matalik na kaibigan mo, tapos sasabihin mo sa akin na gusto mo ako. Gago ka lang ba o nababaliw ka na?"
Bumunghalit naman siya nang tawa sa mga sinabi ko, kaya lalo naman ang pagsalubong ng kilay ko sa kan'ya. Habol-habol ang hininga ay hindi pa rin mapigilan ni Stan ang pagtawa sa akin. Siya pa ang natawa? Siya na nga ang panay katarantaduhan ang sinasabi sa akin.
"Walanghiya, Tamara! Best laugh ever. Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali sa pakiramdam ko sa’yo eh."
"Hoy! Isa pa na sabi mo niyan, sasapakin na talaga kita! Ano ang akala mo sa akin, easy peasy? Kahit kanino pumapatol? Don’t me ha, nanggigigil na ako sa’yo!"
Ipinatong pa niya ang kan’yang braso sa balikat ko habang patuloy sa pagtawa. Marahas ko naman iyon na tinanggal pero ibinalik niya at hinapit pa ako lalo palapit sa kan’ya. "Hindi mo na mababago ang isip ko. I like you talaga! I like you for real."
Kumunot ang noo ko at marahas siya na itinulak sa dibdib. Loko pala talaga ang lalaki na ito. Sinabi ko pa naman noon na mas gusto ko yata siya na maging asawa, pero may pagkabaliw pala siya at nananalo pa ng kaibigan.
"Tumigil ka na nga sa kakatawa mo riyan na baliw ka! At tigilan mo nga ako, baka hindi na talaga kita matantiya ay makakatikim ka sa akin ng hindi mo pa natitikman sa buong buhay mo!"
"Feisty! Talaga? Ano ang ipapatikim mo? Sigurado ka ba na hindi ko pa iyon natitikman?" May halo pa na pang-aasar na tanong niya.
Akma na inambahan ko na siya ng kamao ko nang pigilan niya at hawakan ang kamay ko. "Kaya gustong-gusto kita para kay Mikel eh. Sigurado ako na nasa tamang tao na siya ngayon."
"Ano?" naguguluhan na tanong ko pabalik sa kan'ya.
"Sa tingin mo ba ay tataluhin ko si Mikel? Hindi ako gano'n. Wala sa bokabolaryo namin dalawa ang magtaluhan. Bro’s before hoe’s ang motto namin."
"Hoes? Ano ang tingin mo sa akin, babae sa tabi-tabi?"
Napasapo na lamang siya sa kan'yang noo. "Pilosopa ka nga talaga."
"Tamang tao? Ano ang ibig mo sabihin?" muli na tanong ko naman.
"Malalaman mo rin soon. Piece of advice, Tam." Bigla ang pagseseryoso ng boses niya na ngayon ko lang narinig buhat kay Stan. "Mikel is still hurting. Maaari na totoo at maaari rin na hindi ang nararamdaman niya para sa’yo. Masyado pa na sariwa ang sugat na iniwan sa kan’ya ng nakaraan. Ano man ang pilit niya na papaniwalain ako sa nararamdaman niya para sa’yo, I know better. Matagal na kami na magkaibigan ni Mikel kaya kilalang-kilala ko siya. Please be patient with him at huwag mo siya sasaktan. He’s been hurt so much all his life."
Napamaang ako sa mga sinabi ni Stan. Sa likod ng pagbabatas militar ni Mikel sa akin ay ang katotohanan sa matindi na pinagdadaanan din niya. "Wala naman akong balak na saktan siya. Alam ko na isang pagkakamali ang nagawa namin nang bigla kami na magpakasal kaya pilit namin na itatama iyon sa pagsasama ng maayos para sa kasal na ito."
"That was the first time that Mikel became impulsive. Lahat ng bagay kay Mikel ay dapat na nakaplano. Ayaw niya sa biglaan at lahat ay base sa plano niya sa sarili niya. But his impulsiveness resulted in him marrying you, at hindi ko mapigilan ang kasiyahan ko na iyon. Alam ko na ikaw ang babago sa buhay niya. Ikaw ang magbibigay ng magandang kaguluhan sa pagkatao niya."
"Bakit ang seryoso mo na? Hindi ako sanay." Pag-iiba ko sa usapan namin ni Stan. Hindi ko alam kung bakit bigla ang dagundong ng puso ko sa mga sinasabi niya.
Dalawang taon lang ang kasal namin ni Mikel at pagkatapos ng dalawang taon ay maghihiwalay rin kami sa ayaw at sa gusto ko man. Regardless of whatever feelings we may have by that time, tatapusin namin ang kontrata sa loob ng dalawang taon. Kaya ngayon pa lamang ay idinidikta ko na sa utak ko na hindi ako maaari na mahulog ako sa kan’ya.
"Ngayon mo lang ako makikita na ganito kaya pagbigyan mo na ako. Pagbalik sa Maynila, ako na ulit si Stan na walang kaseryosohan sa buhay."
"Bakit mo ba sinasabi sa akin ang lahat ng ito?"
"Because I want you to be with him until the end. Gusto ko na siguraduhin mo sa akin na hindi mo bibitiwan si Mikel kahit na ano pa ang unos at problema ang dumating sa buhay mag-asawa ninyong dalawa. Gusto ko na panghawakan mo sa kan’ya ang ipinangako mo noon ikinasal kayo?"
"Pangako? Nangako ba ako nang ikinasal kami? Hindi ko nga matandaan ang kasal sa sobrang kalasingan ko eh." Natatawa na ginulo pa ni Stan ang buhok ko sa naging tugon ko kaya naman isinalya ko ang kamay niya.
"Ang kulit mo rin talaga, ano? Sigurado ako na kung parati tayo na makakasama ni Mikel ng sabay ay mabilis na tatanda iyon sa konsumisyon sa ating dalawa."
"Sa iyo lang, hindi sa akin." pagtanggi ko pa. "At hindi kakulitan ang pagsasabi ng totoo."
Muli na tumanaw si Stan sa malawak na karagatan. Sandali siya na natahimik. "Ngayon lang ako makikiusap para sa kaibigan ko, Tamy. At sa’yo lang, dahil gaya nang sabi ko kanina, sigurado na ako na nasa tamang tao na siya. Mikel can be hard to deal with most of the times, at lalo na sa buhay ninyo bilang mag-asawa at sa sitwasyon ninyo kung bakit kayo naikasal. Madalas, he says things he doesn’t really mean, pero dahil sa iyon ang nakasanayan niya. At sa pagbugso ng damdamin niya ay iyon din ang madalas niya na nagagawa. Pero pakiusap, mahalin mo siya ng buong-buo. Iyon walang kahati because he deserves it. He deserves to be loved."
Hindi ako nakasagot at tumanaw na lamang din sa karagatan. Mali yata ang nagawa ko na paghingi ng tulong kay Mikel. Para ko na rin yata na itinapon ang sarili ko sa gitna ng karagatan at hihintayin ko na lamang na malunod ako roon.
Paano ko ba gagawin ang pakiusap ni Stan na mahalin ang kan’yang kaibigan kung sa umpisa pa lamang ay bawal na? Paano ko iyon gagawin kung sa umpisa pa lamang ay may bakod na kami na ginawa na bawal namin tawirin? Paano kung sa simula pa lang ang unang kondisyon na niya ay bawal siya na mahalin?