Hindi naman sila nahirapan agad ay naka kuha sila ng flight. Sa france sila dumiritso, pero nag hotel silang mag ina. Ayaw niyang mag stay sa bahay nila duon dahil sigurado na malalaman ng mga magulang. Kahit pagod sa byahe ay napapayag siya ng anak. Nagbihis lang sila at sumakay na ng taxi, nagtungo sila sa company. "Do you have an appointment ma'am? "No, tipid niyang sagot sa babaeng nakatikwas pa ang nguso. "Sorry pero hindi kayo pweding umakyat sa office of the CEO. Kailangan magpa appointment muna kayo. Tinaasan ni chariz ng kilay ang babae at bahagyang itinulak ito. "Tumabi ka dadaan kami ng anak ko! "Huwag ho kayong magpumilit ma'am or else i call the guard. "Then call them! Let's go son...oh by the way what is your name? "Excuse me... Pero mabilis na nabasa ni chariz ang n