HINDI ako makapaniwala na dahil sa selos at takot kaya niya ko pinapirma ng kontrata at pumayag sa ganoong mga kondisyon. Napapantastikuha ko siyang binalingan. Nagkibit-balikat lang siya at umiwas ng tingin. Napaka-immature naman yata ng ganoon. "P'wede kong..." napahinto ito dahil nag-iisip pa. Hanngang sa nag-english na dahil hindi niya yata alam ang tagalog ng sasabihin niya. "I can terminate your contract if I want. Ako pa rin naman ang employer mo. Ipapabago ko. Ilalagay ko doon. P'wede ka ng makipag-date basta sa CEO," tumingin siya sa akin at ngumisi. Nagsalubong ang kilay ko. Naiinis lang ako na may kaunting kilig na sumisipa sa dibdib ko. Hindi dapat ganoon. Kung hahayaan ko ang sarili ko sa bitag niya. Paniguradong lagapak agad ako sa lupa. Umalis din siya matapos na hindi