NAUBUSAN na naman ako ng sasabihin sa kanya kaya matapos ang titigan namin hindi ko na lang siya pinansin. Hirap akong itaboy si Sir Daxton kaya sa huli, hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Hiyang-hiya ako na kasabay ko siya. Kaya sinusubukan ko pa ring unahan siya maglakad para hindi kami tignan ng mga tao kaya lang imposible kasi lahat na ng tao sa terminal nakalingon na sa lalaking nasa likod ko. Binalingan ko siya. Naabutan ko ang pagpasada nito sa buong terminal. Ngayon na pinagmamasdan ko siya, nakikita kong hindi siya nababagay pumunta sa ganito. Halata mo kasi sa tindig at awra niya na mayaman siya. Na palaging naka sasakyan kaya hindi magtitiis pumila sa terminal. Bumaling siya sa akin. "Doon ka sasakay 'di ba? Bakit nandito tayo?" Tinuro niya Sinundan ko iyong tinuro niy