KABANATA 48: NAGHIYAWAN ang lahat ng nag-count down na ang host. "Three..." "Two..." "One!" Umawang ang bibig ko ng may dumaang helicopter. Nakatingala kaming lahat. Hindi alam kung anong meron pero kumalabog ang dibdib ko at natuptop ang bibig ng may pink na usok ang sumaboy sa kalangitan! Nagtilian ang lahat. Hindi ako makapaniwala. Kasabay niyon ay ang paglipad ng mga pink na lobo sa taas. Sumaboy din ang pink na confetti sa harap namin. "Sabi ko na! Kaya maarte si Charlotte! Babae!" sabi ng pinsan ni Daxton. "Panalo ako!" Nagtawanan kami ng iyong mga lalaki niyang pinsan ay nagpustahan pa pala. Nangolekta na si Brix. "Picture po, Mr. and Mrs. Wright!" Nag-picture taking kami maging ang buong pamilya. Hapon nag-start ang program at hanggang gabi kami. Parang reunion na lang d