PAGDATING nina Mira sa bahay na tinutuluyan nila ay nakita niya na nasa kusina sina Bornok at Trixie na mukhang umiinom ng kape. Pagkakita nga sa kanya ni Trixie ay kaagad itong pumunta sa kanya at siya ay niyakap nang mahigpit. Ngiti naman ang ibinigay niya rito at pagkatapos ay napatingin siya sa binatang kasama nito na kasalukuyang humihigop ng mainit na kape sa mug na hawak nito. “Ano’ng nangyari Bornok?” Ito ang tanong ni Mira matapos din nitong umupo kasama ang dalawa. Napansin nga niya ang pagseryoso ng mga mata ni Trixie at doon na nga napakwento si Bornok sa mga nangyari. “Okay ka lang ba Trixie?” nag-aalalang tanong ni Mira sa dalaga at ngumiti naman ito sa kanya na tila ba walang nangyari. “Maayos na ako ate. Dumating na ang tagapagligtas ko,” wika ni Trixie at si Bo

