104

2718 Words

NAPASERYOSO si France nang matikman ang luto ng binatang kasama niya. Nang kagatin ng mga ngipin niya ang karne ay may kalambutan itong naglalabas ng katas ng adobo na kumakalat na lamang sa loob ng kanyang bibig. Parang isang lasa itong ni minsan ay hindi nalasahan ng kanyang dila. Ngayon nga ay napatingin siya kay Bornok na nakatingin sa kanya kanina. Ngayon nga ay kasalukuyang na itong naglalagay ng kanin sa plato at mukhang uunahan na siyang kumain.   “Sir? Kumusta? Hindi ba ninyo gusto?” tanong pa ni Bornok nang kumuha na ng ulam para ilagay sa kanyang uumusok pang kanin.   “Sakto lang,” sabi naman ni France na napalunok ng laway na nakaramdam na gaganahan siyang kumain ngayon. Hindi pa rin nga nawawala sa bibig niya ang sarap noon at napalunok na lang siya ng laway ng pasimple si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD