KINAGABIHAN, mag-isang nakahiga si Bornok sa kanyang kwarto dahil sabi ni Trixie ay sa tabi raw muna ni ma’am Mira ito matabi ng pagtulog. Pansin nga niyang nitong tanghali nga hanggang kanina ay hindi ito naimik sa kanya. Tinanong naman niya kung bakit, pero nginitian lang siya nito. Bigla tuloy niyang naalala kung iyon ba ay dahil sa ginawa nila kagabi, kaso hindi naman siya sure dahil kanina naman paggising nila ay ang saya-saya pa ng bati nito sa kanya. “Baka na-miss lang niyang katabi si ma’am Mira…” sabi niya sa kanyang sarili at napapikit na siya dahil may pupuntahan siya ngayong panaginip. Ito ay ang panaginip ni Judy na kanina ay ilang beses nga niyang nahawakan. Nakikita naman niyang okay ang dalaga at hindi na ito naiilang sa kanya, pero gusto niyang masiguro na tuluyan na i

