“DITO muna tayo titigil pansamantala,” winika ni France nang dalhin niya sina Trixie, Mira at Bornok sa isa sa mga pagmamay-ari niyang isla na malayo sa mainland ng probinsyang sakop dito. “Hindi naman siguro tayo kaagad matatagpuan ng mga iyon dito. Labing-limang araw na lang at titigil na sila sa paghabol sa iyo Lady Miracle… Kaunting tiis pa at nasa proseso ka na ng pagiging mortal pagkatapos noon,” seryoso pa nitong winika sa dalaga na kasalukuyang katabi ni Bornok. Itinuro na nga niya ang bahay na tutuluyan nila at isa lang itong maliit na bungalow na may cottage sa harapan. Si Trixie ay seryoso na lang na napatingin kay sir France habang nagsasalita ito. Nakita nga rin niya ang paglingon ni Bornok sa kanya at nag-thumbs up ito para ipakitang okay lang ito. Kanina nga lang ay muntik

