Vinneah's POV Paidlip na ako nang maramdaman kong marahan na bumukas ang pintuan ng kwarto namin ng kambal. Sinilip ko sila sa pamamagitan ng bahagyang pagmulat ng aking mga mata. I thought they were going home late? Why the sudden change of mind? Alas-diyes pa lang ng gabi. Napaaga yata sila ng uwi? Is it because of Lax’s message? Malamang! They are jealous! Or maybe they are very furious. Numero unong possessive pa naman ang dalawang ito. Pinagseselosan pa nga nila ang isa’t isa. Ibang tao pa kaya? Lax is my ex-boyfriend and first love. I know, mas matindi pa sa selos ang nararamdaman nila lalo na at alam nila kung gaano ako nabaliw at minahal si Lax. Nakita ko na nagtanggal ng coat ang kambal. Maayos nila itong nilagay sa laundry basket. Sinunod nila ang kani-kanilang kurbata a

