Kabanata 47. “N-narinig niyo pala…I- I thought hindi…” kandabuhol pa rin ang mga salita na sabi ko. Wala ng dahilan para magsinungaling ako at itago ang tunay kong nadarama para sa kanila. “Yeah, Vi. Napakasaya namin kung alam mo lang. We want to confirm it to you but I guess nadulas ka lang that time and still you are not ready to tell it to us,” wika ni Kuya Ice na pisil pa rin ang palad ko at alam kong masayang-masaya ang reaksyon na makikita ko sa kaniyang mukha kahit hindi ako nakatingin sa kaniya. “Kaya nga sabi ko kay, Fireon. We will give you time to think, Vinnea. Magsimula kami ulit sa panliligaw sa iyo. Ipapakita namin na sincere kami sa iyo at paulit-ulit na gagawin ang lahat maniwala ka lang na mahal ka namin. Susuyuin ka namin until you realize your true feelings for us.