Kabanata 29. Anong klaseng parusa?

2068 Words

“Mama, diyan na lang po sa gilid ng kalsada. Diyan na lang po ninyo ihinto ang sasakyan.” Turo ko sa tricycle driver sa kabilang kalsada kung saan ay may daan na papasok. Tricycle ang sinakyan ko papunta rito dahil hindi ko matawagan ang numero ng taong pakay ko rito. Wala naman kasi siya sa kaniyang condo kung saan ay una akong pumunta kanina para sana makita at makausap siya. Wala kasi akong mapara na taxi dahil okupado lahat ng napapara ko. Ewan ko kung ano ang okasyon dahil parang ang daming turista ngayon. Kaya naman nagtiis na lang akong sumakay ng tricycle kahit mainit ang panahon at maalikabok sa daan. “Bayad po.” Inabot ko ang isandaang papel na pamasahe ko sa tricycle driver at agad na akong tumalikod. Hindi ko na hinintay ang sukli ko na bente pesos dahil baka maispatan pa ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD