Nakikinig lang ako sa sinabi ng emcee habang shocked pa rin ang reaction ko sa mga nangyayari. Hindi maproseso ng maayos ng utak ko ang mga nangyayari ngayon sa paligid. For God's sake! I am now engaged! Minekus-mekus nila ang lahat! Wala man lang singsing? Hindi ko man lang na-feel! Habang sinasabi ng emcee ang date ng kasal na mangyayari raw next year, December twenty, twenty-twenty-four. Ako naman ay parang maiiyak habang nakikinig dahil parang nga pati araw ng kasal ay napagplanuhan na. Kung malakas lang sana ang loob ko na sabihin sa emcee na tumigil na siya sa pagsasalita at mag-uusap muna kami ng mga magulang ko rito, ginawa ko nasa. Pero dahil mabuti akong anak at mas iisipin ko pa ang kapakanan ng mga taong mahal ko kaysa sa sarili ko. Wala akong nagawa kundi sumabay na lan