Humitit ako ng isang beses sa hawak kong sigarilyo bago ko pinatay ang apoy nito sa loob ng ashtray at saka nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Magagalit si Vinnea sa akin kapag naamoy niya ang sigarilyo sa katawan ko. I know how she hates the scent of a cigarette. Lalo na ngayon, she is very sensitive with unpleasant odors, especially the scent of a cigarette dahil naglilihi siya. May maamoy lang siya na ayaw ng kaniyang tiyan ay nasusuka na siya. What more ang amoy ng sigarilyo? Baka himatayin pa siya kaya kailangan kong mag-sanitize. ‘Di bale, I will sanitized myself before facing her tapos mag-to-toothbrush na rin ako bago ako sumabay sa kaniya mamaya sa pagkain sa hapag-kainan. I just need it this time. Pakiramdam ko talaga ay sobrang lungkot ako ngayon kaya napahitit ako n