Icy Davidson's POV Wala nga yatang surpresa si Vinneah sa amin ng aking kakambal. Pinakikiramdaman namin siya ng ilang araw kung may niluluto ba siyang surpresa sa amin o wala. Wala…as in wala talaga, as if hindi importante sa kaniya ang araw na ito. Ayos lang, hindi naman kami umaasa pero sana for the last minute ay nakagawa siya ng paraan para gulatin kami. Kami, we have a surprise for her. I hope she will like it. We want to formally introduce her to our family. Alam kong hindi tanggap ng mga kamag-anak ko ang relasyon naming tatlo especially when we were married abroad para lang makasal kaming tatlo. Marami ang hindi nakakakilala kay Vinneah. Hindi rin kasi namin pinilit na ipakilala siya dahil nga ayaw namin siyang masaktan at makarinig ng mga salita na magiging dahilan para masira a

