Vinneah's POV “Takot talaga ang mga asawa mo na magalit ka sa kanila, Vinneah. Biruin mo, sinabihan pa ako na kausapin ko ang lahat ng staff dito para lang hindi makarating sa iyo ang balita na may nabuntis silang babae. Ang hindi nila alam gawa-gawa lang iyon na kwento para masurpresa natin sila,” natatawang kwento ni Mrs. Ferry ng mapagsolo kami. Narito kami sa bandang sulok at may hawak na kaniya-kaniyang plato ng pagkain. Ang kambal kong asawa ay tig-isa silang hawak sa aming anak habang sinusubuan ng pagkain. Kanina katabi ko sila, humiwalay ako ng makipagkumustahan sa mga dati kong katrabaho gaya ni Mrs. Ferry, Pilar at kung sino-sino pa na medyo naging close ko ng kaunti kahit ilag na ilag ako makipaglapit kahit kanino dahil madalas ako magtsismisan ng iba rito. Abala ang lahat sa

