Icy Davidson's POV Masama ang loob namin ni Fireon na umalis ng bahay. Kahit humingi naman ng tawad si Vinneah dahil nakalimutan niya ang tungkol sa anniversary namin na mangyayari pa lang sa susunod na linggo, still masama pa rin ang loob namin na umalis. Childish na kung childish but it's very important to us. First year anniversary namin itong tatlo but she forgot about it. Akala pa naman namin ni Fireon ay may niluluto na siyang surpresa. Mukhang wala. Wala siyang kaplano-plano. Paano, nawala sa isip niya. Hindi niya naalala. Kahit next week pa naman ito, I’m sure gagahulin siya sa oras kung gagawa man siya ng surpresa para sa amin. Tapos hindi man lang siya nag-effort sa pagso-sorry niya kanina. Wala siyang ibang ginawa kundi ang humingi lang ng sorry ng dalawang beses tapos ayun, h

