Vinnea's POV Kabanata 105 Wala ang kambal sa tabi ko nang magising ako. Pumasok na marahil sila sa trabaho dahil alas-otso na ang nakita kong oras sa suot kong pambisig na relo. Alam kong napuyat sila kagabi kakaasikaso sa akin. Panay kasi ang ihi ko at hindi ako makatulog. Medyo naaawa ako sa kanila dahil hindi lang kagabi sila napuyat. Nang mga nagdaang araw din dahil nga ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos dahil nahihirapan na ako sa laki ng tiyan ko. Mababa na kasi ito at mabigat. Sabi ng OB ko normal lang daw iyon lalo na at ilang araw na lang ay kabuwanan ko. Naghahanap na rin daw ng butas ang kambal kaya panay ang galaw nila sa loob ko na parang humihilab na kahit hindi pa naman oras ng paglabas nila. Tapos nagbilin pa siya sa akin na kapag tuloy-tuloy na ang contracti