“Nag-enjoy ka ba, Vinnea?” Nag-angat ako ng tingin kay Daddy nang marinig ko siyang magsalita. Nagulat pa ako ng bahagya nang makita ko siyang nasa bandang aking likuran at tila tinatantiya niya ang mga salitang sasabihin niya. Napatingin tuloy sa amin si Mommy na natigil din sa paglalakad dahil narinig niya si Daddy na nagsalita. Sinulyapan ko saglit si Mommy bago ako muling bumaling kay Daddy na naghihintay ng aking kasagutan. “Tama na ang acting…masakit na po,” nais ko sanang isatinig ngunit pinigilan ko ang aking sarili dahil kahit papaano ay gusto kong umasa na may halaga ako pa rin ako kay Daddy kahit papaano. That he loved and cared for me. Katulad ng pagmamahal na ibinibigay niya sa aking dalawang kuya. At hindi iyong may halaga lang ako sa kaniya kasi mapapakinabangan niya a