Chapter 3

1008 Words
Nagpaalam siya kay Francis at pati na rin kay Carter. She needed to refresh her mind. At sigurado siyang matulungan siya ng kaibigang si Jen. Mga ilang taon na din silang hindi nagkita ng kaibigan, bagama't lagi silang nag-usap sa skype, nami-miss pa rin niya ang bruhang si Jennifer. Pagdating niya sa bahay ng kaibigan ay niyakap kaagad siya nito. Infairness, mansion ang bahay ni Jen! “Kumusta Jen?”Tinanong niya ang kaibigan ng makapasok sila sa loob. “Heto pula pa rin ang hasang, eh ikaw kumusta na? Bigla ka na lang umalis ng bansa, ano ba ang nangyari? Alam mo ba kung ilang beses nagpunta rito si Sam?” Sunod-sunod ang mga katanungan lumabas mula sa bibig ni Jennifer. “Mahabang kwento, Jen. Anyway, hindi ako nagpunta rito upang pag-usapan natin ang aking nakaraan. Narito ba ang asawa mo? Bakit ayaw mong ipakilala sa akin?” Noon pa siya nagtaka kung bakit ayaw ipakita ni Jen ang asawa tuwing nag-video call sila o kahit ang larawan man lang nito. “Be honest Jen, pangit ang napangasawa mo, ano?” Bumulong siya sa kaibigan. Humalakhak si Jennifer sa ibinulong ni Jessica. “Bakit mo naman naisip na pangit siya? Hindi kaya,” mariin na tumanggi si Jennifer na pangit ang pagmumukha ng kanyang asawa. Tinawag niya ang kanyang mga anak upang ipamukha sa babae na hindi baluga ang kanyang asawa. “Kambal sila?” Bukod sa mga may hitsura ang dalawa, halos magkasingtangkad lang. “Hindi, ah. Pero one year lang ang kanilang age gap,” sumagot si Jennifer. “Isang taon lang? Whoah, ang landi mo friend.” Sabi ni Jessica. “Dati pa kaya,” sumagot si Jennifer. Likas ng palabiro si Jen at wala ding tatalo rito sa kakulitan. Halos mabiyak na ang kanyang bibig sa kakatawa tuwing nag-joke ang babae. Hindi niya tuloy namalayan ang oras. Pagtingin niya sa kanyang Rado, alas otso na ng gabi. "Oh my god, I need to go home, Jen. Hindi man lang natin namalayan ang oras." sabi niya sa kaibigan.  "Oo nga,eh. Sige, umuwi ka na sa inyo, pero bumalik ka bukas, okay? "Kung meron man na nakakilala ng husto kay Jessica, siya ‘yon. At alam niyang may pinoproblema ang kaibigan. Sa tingin niya, lalaki ang dahilan. Naalala niya iyong mga time na matindi ang pagka-crush nito kay Sam. She was so full of herself and happy. “Naghiwalay na ba talaga kayo ni Sam?” “Legally speaking ay hindi pa, pero doon na rin pupunta. Kaya ako umuwi rito upang asikasuhin ang annulment naming,” sumagot si Jessica. “Hindi na ba talaga pwedeng pag-usapan?” "Hindi na pwede. By the way, next week na ako babalik rito. May lakad kami ni Carter bukas, eh. Sige ha, regards mo na lang ako sa asawa mo. Teka, anong oras ba ang dating niya ngayon?" Ayaw pa sana niyang umuwi pero gabi na kasi at kanina pa siya tinext ni Francis. "Mamaya pa yon. Pero kailangan ko na din i-prepare ang aking beautiful self para sa pagdating niya,” sabi ni Jennifer. "Bye, Jen. Till next time,” nagpaalam siya babae at kumaway muna bago pumasok sa kanyang sasakyan. "I'll call you,” sinenyasan niya si Jennifer na tatawag siya mamaya  bago pinaandar ang sasakyan. Mabilis ang kanyang takbo dahil gusto niyang makarating agad sa bahay . Sa may Zuellig Avenue siya dumaan upang makaiwas sa traffic. Medyo madilim nga lang ang naturang daanan dahil walang mga lamp post, parang private road  kasi ito na hindi pa masyadong nadevelop. Sa gilid ng kalsada ay puro kugon lang at iba pang d**o. "s**t, bakit ngayon pa?" tanong niya sa sarili nang biglang pumutok ang isang gulong sa kanan. It's so unfair. Ngayon lang siya nakaranas na masiraan sa gitna ng madilim na kalsada. Hindi pa naman siya marunong magpalit ng gulong. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tinawagan si Francis para ito na ang tatawag ng tagahila dahil wala siyang number ng mga ito.  Wala siyang magawa kundi ang maghintay na dumating ang saklolo. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. Walang katao-tao. Hindi niya lubos maisip kung ano ang kanyang gagawin kung sakaling may mga masasamang tao na lalapit sa kanyang sasakyan. Nagpalinga-lingaw si Jessica sa paligid at nanginig sa takot nang biglang may humintong sasakyang sa tapat. Lalo tuloy siyang nagpanic. Baka mga adik ang sakay nito! Nagdasal siyang hindi mapansin, pero sa kulay ng kanyang sasakyan na puting-puti, imposibleng hindi siya mapansin ng mga ito. Nagdarasal siya para sa kanyang kaligtasan nang biglang may kumatok sa kanyang bintana. Her body frozed until she realized who it was and then she powered the window down. Sandali niyang nakalimutan ang galit para sa lalaki at mas nangibabaw ang tuwa! "You're glad to see me and I wonder why,” sabi ni Sam at matamis na ngumiti kay Jessica. Sinundan niya ang babae kanina nang umalis ito ng bahay. Matagal-tagal din siyang naghintay bago nilisan ni Jessica ang bahay ng kaibigan nitong si Jennifer. Kung hindi lang nasira ang sasakyan niya, never niyang papansinin ang hudyo. "Kasi akala ko, ikaw na yong tagahila ng sirang sasakyan!"sumagot siya dito at itinaas na muli ang bintana ngunit pinigilan ito ni Sam. "Sorry to disappoint you sweetheart, pero pwede naman kitang ihatid sa bahay mo." Nag-offer si Sam. "Hindi pwedeng basta ko na lang iiwan ang sasakyan dito, I'll wait for the towing company." nagmatigas si Jessica pero sa totoo lang, malapit na siyang bumigay. Ganun ba talaga ang babae? O tanging siya lamang ang super tanga pagdating kay Sam? Niloko na nga, willing pa ding magpaloko ulit! "Okay, eh di, samahan na lang kita sa paghihintay mo. Mabuti pa ay lumabas ka na muna dyan. Maganda ang gabi, malamig, maraming mga bituin, at higit sa lahat, tayo lang ang nandito." he said seductively. His intention was to weaken her resolve as per the advice he got from Marcus Madrigal. Why not? It would be a perfect date, ever! With Sam, under the same sky and stars. Loka-loka ka talaga Jessica Marie,pinagalitan niya ang sarili. Nakalimutan mo na ba kung sino ang kaharap mo ngayon? "Thanks, but no thanks, Sam. I'd rather wait here," Sabi niya sa lalaki, pero nang tumalikod ito at akmang babalik na sa sariling sasakyan, mabilis na nagbago ang isip niya. "Sandali," tinawag niya ang lalaki at saka lumabas. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD