Part 35 THIRD PERSON POV "Be, salamat ha. Kung wala ka hindi ko alam ang gagawin ko. Siguro ay mahihirapan akong tapusin ang OJT ko. Salamat dito sa free board and logging," ang malambing na wika ni Jerome habang kumakain sila ng hapunan ni Nick. "Sabi ko naman sa iyo mabilis lang matapos ang 600 hours. At salamat din dahil nakasama kita ng mas matagal," ang sagot naman ni Nick. Dito ay binuksan niya ang cake na may nakalagay na congratulations dahil sa pagtatapos ng OJT ni Jerome ngayong araw. Naghanda rin siya ng espesyal na dinner na pagsasaluhan nilang dalawa. "Gusto ko pa sanang mag stay pa dito kahit one week kaso ay kailangan ko naman gawin itong research ko. Kaunting months na lang at graduate na rin ako, sa wakas ay magkakaroon na rin ako ng diploma," ang wika ni Jerome. "Con