Part 27 RYAN POV "TAMPISAW SA APOY" "Babe, kumusta ang exam mo?" tanong ni Kian sa akin noong hapong dumalaw ako sa kanyang apartment. Kakatapos lang ng exam at halos semester break na rin. "Okay naman, sure naman ako na pass iyon. Halos isang sem na lang ay malapit na akong grumaduate. Pwede tayong mag apply kay mama at maging apprentice niya para sa mas mataas na position. Ano sa palagay mo babe? Tapos kapag pareho na tayong stable ay pwede na tayo lumipat sa isang magandang unit at mag sama doon," ang wika ko sa kanya habang nakangiti. "Salamat babe, salamat at kasama mo ako ng plans mo. I love you," ang wika sa akin ni Kian, niyakap niya ako mula sa likuran at saka hinaplos haplos. Humarap ako sa kanya at yumakap rin, "Syempre naman, ikaw ang gusto kong makasama kasi sobrang bait