ACALLY Simula ng mag-breakdown ako ay nagbago ang pakikitungo ko kay Sabby naging tahimik ako at bihirang ngumiti. Malimit ay nagda-dahilan akong masama ang pakiramdam ko bagay na naintindihan nito kaya hindi niya ako pinipilit sa kung ano-ano. Siguro kung hindi ko lamang nasaksihan ang karumal-dumal na kaganapan sa sala noong nakaraang linggo ay baka sobra akong masaya dahil pinapakita sa akin ni Sabby ang importansya ko sa kan'ya. "Darating si Miracle, I asked her to check on you," pagbibigay alam ni Sabby sa akin. Tumango lang ako at hindi umimik, lately ganito ang ginagawa ko. Masama ang loob ko sa kan'ya dahil noong isang araw may hindi magandang hinala akong nasa isip hanggang sa mga oras na ito. Gusto kong makausap ni Doktora Miranda sa totoong kondisyon ko kaya nananlangin akon