SEBASTIAN Pumasok ako sa restaurant at agad kong nakita si Collin kasama ang maldita niyang anak na si Amara. Kung hindi ko siya kilala at wala akong ideya sa mga kagaguhang ginawa niya, iisipin kong mabuting tao ang gagong ito. Nakasimangot ang inaanak ko at kunot ang noo. Pasaway ang batang ito at laging pinasasakit ang ulo ng ama, hindi katulad ni Declan na masunurin sa ina at laging nakabantay kay Irish. "Ninong Sabby!" malakas na tili ni Amara nang makalapit ako sa kanilang mag-ama. Ginulo ko ang buhok niya nang umupo ako sa kaniyang tabi. Tumayo naman malapit sa pintuan ang mga tauhan ko dahil alam nila na kapag ganitong nasa labas ako ay ayaw kong nakadikit sila sa akin. Katulad ko rin si Collin dahil mukha siyang walang kasama maliban sa inaanak ko, pero alam kong may mga naka