SEBASTIAN Padilim na ng marating namin ang lungga ni Fabio Sandoval. Magagaling na special elite team ang kasama ko habang loaded din ang grupo na kasama ni Collin. Bago ako umalis, inutusan ko si Brian na bantayan ang bawat kilos ni Rogie na huwag makahalata. Inutusan ko si Rogie na maging in charge sa burol ng aking ina dahil aalis ako. Normal ang usapan namin at walang kahit anong bakas na nagdududa ako sa kan'ya. For now, ligtas siya ng ilang oras dahil uunahin ko muna si Fabio. Kailangan na makuha ko si Acally sa teritoryo niya kaya kahit dumanak ang dugo ay wala akong pakialam pa. "Kumusta ang target?" tanong ni Collin habang pareho kaming naghihintay na matapos ang scanner na pinadala ko thru drone na mag-inform sa amin kung gaano sila karami kasama at maging ang status ng loc