RUEL Kanina pa kami naghihintay dito sa loob ng flower shop kung saan kami naka-assign ng buddy ko na si Jack. Pareho kaming excited na makaharap ang babaeng alam kong espesyal ngayon sa boss namin. Sa loob ng dalawang linggo na nakasunod kami sa kaniya, napag-aralan ko na ang personalidad niya, kaya masasabi ko na kilala ko na ang babaeng makakaharap ko. Mula nang utusan akong sundan siya nang magkita sila ni Boss Sebastian sa Makati Mall, wala na akong ibang ginawa kundi mag-imbestiga tungkol sa kaniya. Marami na akong nalaman mula sa pamilya niya, hanggang sa naudlot na kasal ni Miss Acally sa kaniyang manlolokong ex-boyfriend. Nalaman ko na ang lalaking iyon ang dahilan ng paglapit niya kay Boss Sebastian nang magkita silang dalawa sa loob ng shopping mall dahil pinagselos niya ang

