SEBASTIAN Alas singko ng hapon at palubog na ang araw ng lumakad kami ng grupo ni Trix. Narating namin ang lugar kung saan naganap ang ambush. Tanging nagkalat na basyo ng bala mula sa iba't ibang uri ng matatas na kalibre ng baril at sunog na sunog na bahagi ng sasakyan na pag-aari ko ang natagpuan namin sa lugar na ito. Maliban sa matinding pinsala na inabot ng sasakyan ko ay wala na akong nakuha pa na ebidensya na magtuturo at magkokonekta sa gumawa nito sa kanila. "Nasaan ang mga katawan ni Jack at Ruel?" tanong ko sa tauhang kasama ko. "Wala po kaming nakuha boss," mabilis na sagot nito. "Paano ninyo nalaman na patay na sila?" madilim ang mukha na tanong ko. "Nakita namin na pinagbabaril ang sasakyan habang nakikipaglaban kami sa mga dumukot kay Miracle at Miss Acally. I assum