ACALLY Tunog ng malakas na hampas ng hangin sa bintana ang gumising sa akin. Napabangon ako dulot ng matinding kaba sa takot na makita ang mga taong dumukot sa amin ni Miracle kanina lang. Mabilis na inalis ko ang kumot at sumilip ako sa bintana pero na gulat ako sa nasilayan ko na palubog na ang sikat ng araw tanda na hapon na pala. Nilinga ko ang paligid mula sa mataas na bahagi ng bahay kung nasaan ako pero sigurado akong hindi ako familiar sa lugar na kinaroroonan ko. Abot-abot ang malakas na kaba na binuksan ko ang pintuan at laking pasasalamat ko na hindi ito naka-lock gaya ng inaasahan ko. Walang ingay na bumaba ako sa magarang hagdan pero wala pa rin akong nakitang tao sa paligid. Nakapagtataka na narito ako gayong kanina lamang ay dinukot ako ng mga armadong kalalakihan at w