Kahit mahirap ay naipagsasabay ko ang pagtatrabaho at ang pag aayos sa aming kasal ni Rogerr. Dalawang buwan na ako sa trabaho ko at masaya naman ako doon. Maganda yung environment, at kahit newbie ako, hindi ko nararamdaman 'yon, dahil sobrang warm ng paligid. At yung kasal namin ay isang buwan na lang! Sobrang excited na ako! Isang buwan na lang mapapalitan na ang apelyido ko. Sa katunayan nga niyan ay papunta na kami sa auntie ko ngayon. Mamanhikan kasi sila Rogerr. Matagal nang pinaplano pero ngayon lang talaga matutuloy. Hindi rin kasi masyadong naasikaso. Kaya ngayon lang nagka-oras. Kasama ko sa sasakyan ngayon si ate at Cita. Kami lang muna tatlo. Si Roger r, kasi at ang family niya ay sabay sabay din na pupunta. Pero next week. Kailangan niyang kuhanin ang kanyang cenomar, las