Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung bakit ko siya kasama ngayon.. Nandito kasi kami sa loob ng bahay.
Pagkaalis kasi ni Amor kanina ay mabilis ko siyang hinila papasok dito. At ngayon nga nandito kami sa sala nakaupo. Ako ay nasa mahabang sofa nakaupo at siya naman ay nasa pang isahan lang. Naka number 4 na upo at naka cross arm pa siya at mariin akong tinititigan. Pakiramdam ko para akong kuting dito na may nginatngat na tsinelas at galit ang amo kaya tahimik.
Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip ko kanina bakit ko sinabing Tutor ko siya. Seryoso? Siya, tutor ko? Patawa ako masyado. Tapos hinila ko pa siya papasok dito, e diba nga dapat umiwas na ako.
Pero natigilan ako.. bakit naman ako iiwas? Wala naman na akong ginagawa sa kanya, bakit ako matatakot? Siya nga itong hindi tumupad sa usapan.
Saglit ko siyang tinignan ngunit mabilis din akong nag iwas ng tingin dahil nakatingin pala siya sa akin.
Yumuko na lang ako at muling pinaglaruan ang mga daliri. Wala naman kasi akong masabi. Tsaka nakakaramdam na din ako ng gutom. Lalo pa at nasa harapan ko lang yung Paper bag na may laman na pagkain. Nakapatong sa mini table namin. At hindi nakakatulong na malakas ang amoy ng sisig. Sigurado akong mayroon don.
"Tutor.."
Halos mapalundag ako sa gulat ng mag salita siya. Jusko po! Ano ba naman yan?!
"Hindi ko alam na tutor na pala ako ngayon," aniya.
Nakakaba naman siya. Ang seryoso kasi ng mukha niya. Yung tono pa niyang malamig na parang yelo na kahit ihampas mo sa dingding ay hindi madudurog.
"Ahm... Nasabi ko lang 'yon ka..kanina k-"
"Sino ba yung bata kanina?" tanong niya. Alam ko na, na si Amor ang tinutukoy niya. Bakit hindi niya masabi? At isa pa, paano niya nasabing bata? Hindi naman mukhang bata si Amor ah? Medyo matangkad nga siya e. Siguro kasi mas matanda siya sa amin.
Kaya ganon..
"Si Amor?" tanong ko pa rin para maka sigurado pa. Pero kung iisipin wala naman akong nakausap kanina bukod kay Amor..
"Kaano-ano mo yun? Kamag anak niyo?"
Umiling ako. "Ahm.. Ka.. Kaibigan ko siya nung high school ako,"
"Kaibigan?" aniya at umayos ng upo. "Bakit iba yung sinabi sa akin ni Cita?"
Napakunot ang noo ko. Cita? Ano na naman bang kinalaman ni Cita dito?
"Tinawagan ko siya kanina para itanong kung mag kasama ba kayo, at sinabi na hindi daw, dahil kasama mo ang boyfriend mo,"
Ano daw?
"Ah? pero hindi naman 'yon totoo. Kaibigan ko lang siya," sagot ko naman "Si Cita ang nag hatid sa akin dito sa bahay, nagulat na lang ako ng biglang lumitaw si Amor kanina."
"Baka.. Baka ano lang, nagbibiro lang si Cita, alam mo naman 'yon diba?" bakit ba ako nauutal? At bakit ko naman kasi sinasagot kahat ng tanong niya?
Nakakaba naman kasi siya. Masyado siyang nakaka intimidate. Para siya yung mahal na bag sa mall na gusto mong bilhin, tapos pagtingin mo sa wallet mo bente na lang yung laman kaya hanggang tingin ka na lang.
Huminga siya malalim habang nakatingin sa akin. Para bang may hindi siya mailabas.
"Galit ka ba?" maingat na tanong ko.
"No," aniya at mabilis na lumipat ng upo at dahan dahan na lumapit palapit sa akin. "I have no rights to be mad at you. Alam mo yan."
Nakagat ko ang ibabaw ng labi ko dahil sa natamaan ako sa sinabi niya. May naramdaman akong hindi ko maipaliwag. Napaka riin at seryoso ng tono niya. Tama siya. Bakit ko naman kasi tinanong yon.
"Sorry kung hindi kita nasundo kanina," hinawakan niya ang kamay ko at lumapit pa ng kaunti. Ako naman ay inilayo ang katawan ko para kahit papaano ay makaiwas sa init at makahinga ng maayos. Magaan na ang paraan ng pagsasalita niya hindi tulad kanina na ang bigat at nakaka kaba.
"Nagkaroon kasi kami ng biglaang entrapment operation at kailangan ko pang tapusin ang report ko."
Tumango ako sa kanya. Alam ko naman dahil trabaho niya yun. "Naiintindihan ko naman.." ngumiti ako sa kanya.
"Salamat." sabi niya at gumanti rin ng ngiti.
Ako na ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa dahil hindi ko na kaya. At sa palagay ko naman enough na yung 4 seconds na titigan sa kanya.
Napayuko na lang ako at napangiti. Atleast natitigan ko siya ng 4 seconds, eye to eye. Nakalagpas na ako ng 3 secs. Achievement na yun!
"Gusto mo'ng kumain?" muli akong napatingin sa kanya.
Oo nga pala! Nagugutom nga pala ako kanina! Sa kaba ay nakalimutan ko na yung gutom ko. Tumingin muna ako sa relos ko. Six thirty na pala.
"Nagugutom na nga ako," sinabi ko dahil iyon naman yung totoo. Hindi na ako tumanggi dahil maririnig niya rin naman yung tiyan ko pag nagkataon.
"Alright. Kain tayo?" tinaas niya pa ang kilay niya habang nakangiti.
Ako rin ay napangiti ng pagka tamis tamis. Makakakain na ko.
Pumunta lang kami sa pinakamalapit na burger chain sa amin. Mabilis kaming nakarating doon dahil wala na gaanong trapik. Siya na rin yung nag order at tinanong na lang ako kung anong gusto ko.
Nag umpisa na kaming kumain. Ang sasarap ng flavor ng burger nila dito. Chicken burger yung napunta sa akin e. Sa kanya naman ay hindi ko alam basta burger din.
"How's school?" tanong niya.
Nilunok ko muna yung pagkain sa bibig ko bago nag salita. "Okay lang naman, medyo nakaka stress pero kaya ko naman, sumasabay pa si Cita,"
Tumatango siya habang nakkikinig ng mabuti.
"Sabay sabay na yung mga ginagawa namin e, at next week na yung midterms namin kaya nag uumpisa na akong mag review,"
"You can do it." aniya na para bang sigurado na sa kakayahan ko. Nginitian ko siya. "Kung may tanong ka at kailangan, you can just text me,"
"Okay.. Salamat sa offer." sabi ko na lang. Dahil alam ko naman kasi na busy siyang tao. Hindi ko na lang seseryosohin ulit.
Nakita kong nag salubong ang kilay niya at napatigil. "Why? Hindi ka naniniwala, seryoso ako sayo, i mean.. sa sinabi ko."
"Alam ko naman kasi na busy kang tao, so hindi mo naman kailangan gawin yun."
"But i want to." mabilis niyang sagot
Nagpatuloy na lang ako sa pag kain ko dahil wala na akong masabi. Oo nga tahimik akong tao, pero pag kasama ko siya nagiging -3 yung behaviour ko.
Pagkatapos namin kumain ay inihatid niya rin ako sa bahay. Naabutan pa nga namin si Ate na binubuksan yung gate. Nagbatian lang sila. Iniyayaya pa nga ni Ate na pumasok siya sa loob pero tumanggi siya dahil may gagawin pa daw siya kaya hindi na lang pinilit ni Ate.
Ngayon nasa kwarto na ako at nakahiga na, kakatapos ko lang kasi basahin yung lesson namin kanina at pinag aralan ko na din iyon.
Napangiti ako ng maalala ko yung nangyari kanina. Nag sorry siya sa akin dahil hindi niya ako nasundo.
Tapos sabi niya kanina ay susunduin daw niya ako bukas.
Masaya lang ako.. hindi naman na sigur kailangan ng explanation doon. Habang kumakain nga kami kanina parang ayaw kong ubusin yung burger sa harap ko, para mas matagal kaming makapag usap. Pero alam ko naman kasing may work pa siya. At isa pa, kahit gusto kong dumaldal sa kanya, nahihiya ako, baka kasi ma bored siya sa mga sasabihin ko.
Pasalamat na nga lang ako dahil hindi ako tinanong ni Ate kanina pag uwi ko. Siguro kasi pagod na rin siya at walang oras makipag usap.
Kinabukasan ay maaga ulit ako pumasok dahil kailangan kong pumunta ng library at manghihiram ako ng libro.
Usapan namin ni Cita na sabay kaming pupunta ng library pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Ano na naman kayang nangyari doon? Ako na nga itong nanghiram ng kakailanganin niyang libro dahil pag nag 8am na kasi ay mahaba na ang pila sa library para sa hiraman ng libro. Mahirap. Kaya nga 6 pa lang ay pumila na agad ako.
Nang mag ala syete na ay umalis na ako at dumiretso na sa room namin. Siguro ay nakalimutan na naman niya yung usapan namin. Bakit ba hindi pa ako nasanay?
At hindi nga ako nagkamali, nandoon na siya sa room at prenteng nakaupo habang umiinom ng vitamilk. Napailing na lang ako.
"Oh? San ka galing Abi, late ka ata?" sabi niya agad pagkakita sa akin. Bingsak ko sa desk niya yung dalawang libro na hawak ko.
"Edi wow Cita," inirapan ko siya at umupo na.
"Omygosh!" napapatakip na bibig na sabi niya.
Oh diba? Galing!
"Sorry Abi.. I forgot!" Niyugyog niya pa yung braso ko. Iniwas ko naman iyon.
"Sorry Abi.."
Hinarap ko siya. "Ewan ko sayo, ang galing mo talaga,"
Natawa siya at niyakap ako. Para bang biro lang sa kanya yung pag simangot ko.
"Sorry bestfriend.. Late na kasi akong nagising.. Hindi ko din naalala.."
"Ang dami mo nang kasalanan sa akin Cita." naalala ko kasi yung sinabi ni Rogerr kahapon.
Napaahon naman siya sa pagyakap sa akin. "Huh?" painosente.
"Bakit mo sinabi kay Rogerr na boyfriend ko si Amor?"
Yung lito niyang mukha ay napalitan ng tawa. Humalakhak pa siya. Galing! Jusko po tuwang tuwa pa kalokohan niya.
"Ayy! Naniwala siya?" aniya pa din habang tumatawa "Wala lang trip ko lang kasi. Ganti ko na yun sa kanya dahil pinaghintay ka niya kahapon."
"Kahit pa, dapat hindi mo sinabi yun.."
"Ay nako! Napaka mo, Abi! At bakit? Para isipin niya na single ka? Gustong gusto mo talaga siya!"
"Tumigil ka nga Cita.."
"Sus! Ayaw pa aminin, e sobrang obvious ng mga kilos mo,"
Nafreeze ako bigla. Hindi nga? Gusto ko ba talaga siya? Ako masyadong obvious..
"Bakit ka sumasama sa kanya pag inaaya ka niya? Sumasama ka sa kanya pag sinusundo ka niya, pwede kang mag 'no' Abi, but ofcourse dahil gusto mo siya, sasama ka pa rin."
Komportable ako pag kasama ko siya. Oo, kinakabahan ako pag mag kaharap kami pero i feel safe. Sumasama ako sa kanya kasi gusto ko lang, at isa pa wala naman akong nakikitang masama doon..
Napapangiti niya ako kahit wala naman siyang ginagawa..
At gusto ko yung leeg niya.. Ang sexy ng leeg niya.. Ang sarap pag masdan pero ano bang konek nun?
"In short, wala ng paikot ikot. Gusto mo siya!"
"Tumigil ka na nga Cita!" hiyaw ko sa kanya. At nakita kong nagulat siya sa biglaan kong pag sigaw ko. "Kung ano anong pinapasok mo sa utak ko na hindi naman dapat, tigilan mo 'yan pwede? Hindi ko siya gusto!"
"O..oo sige," napalunok siya. "Kumalma ka, Bestfriend mo ako Abi.."
Hindi ko na siya pinansin pagkatapos nun. Tumahimik na lang ako habang nakikinig sa prof. Nakikita ko sa gilid ko na sinusulyapan niya ako pero hindi ko siya tinitignan. Ayokong magulo ang utak ko.
Hindi niya dapat sinabi yun! Parang siya na yung nag dedecide sa utak ko.. Kung ano-ano na lang! At isa pa, kilala ko ang sarili kaya bakit ako mag papa apekto?
Nang matapos ang klase ay mabilis akong bumaba.. Mag isa.
Hanggang sa iba pang klase ay ganun pa rin. Pasalamat na lang ako dahil hindi ko siya kasama sa major ko.
Nang matapos na ang lahat ng klase ko nag decide na akong umuwi, pero napatigil dahil sa malayo pa lang ay tanaw ko na yung kotse niya.
Ni Rogerr.
Napalunok ako.
Ano ba Abi! Kumalma ka nga, kaya ka
nasasabihan ni Cita ng obvious!
Nandoon siya nakasandal sa kotse habang kinakausap yung isa sa mga guard ng school. Naka civilian. Naka cup at black shirt at maong pants. Paminsan minsan din na tatatamaan ng sikat ng araw ang dog tag niya kaya lumiliwanang iyon.
Huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy ulit sa paglalakad.
Ilang sandali lang ay alam kong nakita an niya ako ng tumingin siya sa direksyon ko. Isang tango pa ang ibinigay niya sa guard at sinalubong na ako.
"How's school?" nakangiting bati niya. Pero hindi ko siya nginitian.
"Mauna ka na, may pupuntahan pa kasi ako." sabi at hindi ko na siya hinintay na mag salita pa. Nakita ko'ng kumunot ang noo niya, marahil ay nagtataka sa inasal ko, ngunit hinyaan ko na.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay hinawakan niya ako sa braso ko at muling hinarap sa kanya.
"May problema ba tayo?"
Muli akong napalunok sa kaba pero tinapangan ko pa ring pilit ang mukha ko. Umiling ako. "Wala. wala naman, kailangan ko ng umalis," muling akong tumalikod ngunit hinarangan niya ang daanan ko.
Napapadyak naman ako sa inis.
"Ano ba? Uuwi na nga ako!"
"I know. Kaya nga nandito ako, sinusundo kita," kalmado pa rin ang boses niya habang ako naman ay halos sakmalin na siya rito.
"Eh, bakit? Hindi naman kita kaano ano, at isa pa hindi mo ko kailangan sunduin araw araw! Kaya kong umuwi sa bahay namin ng mag isa!" mabilis kong ginamit ang sandaling iyon para umalis ng makita kong natigilan siya dahil sa sinabi ko.
Gustuhin ko man siyang lingunin ay hindi ko na ginawa. Pinigilan ko ang sarili ko at pasalamat naman ako sa Diyos ng maabutan ko yung jeep pa sa amin na naghihintay pa, mabilis akong sumakay doon at dun lang din nakahinga ng maluwag. Hindi ko naman napansin na hindi pala ako humihinga ng normal kanina pa..
Ng makalayo ang jeep ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Jusko po!
Tama lang naman ang ginawa mo Abi, at isa pa, totoo naman lahat ng sinabi mo. Huwag kang maguilty! Okay lang yun. Okay?!
Atleast pampalubag loob sa ginawa ko.
Nagawa ko talaga yun?
Naalala ko naman ang gulat sa mukha kanina habang nagsasalita ako. Hindi ba sobra naman yung ginawa ko?
Nadamay ko siya sa inis ko kay Cita. Wala naman siyang ginagawa sa akin, lahat kabaitan lang tapos ginanon ko pa yung tao.
Okay ka lang Abi?