Ilang araw na akong nandito sa bahay nila Rogerr. Oo, ito pala talaga yung bahay nila. Yung bahay na tinuluyan namin ay ang bahay ng kanilang lolo. Ilang araw na din akong walang balita sa labas. Ayaw naman kasi akong palabasin nila. Maging si Yrenea nga ay nabuburyo na rin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi rin bumubisita dito sila Rogerr. Ang sabi ni Yuri. Ayos na daw ang lahat. Pero iba naman yung sinasabi niya sa nararamdaman ko. Parang may mali talaga.. Kahit pa gabi gabi naman tumatawag si Rogerr sa akin ay iba pa rin ang pakiramdam ko. Sinasabi niya sa akin na okay lang ang lahat pero hindi ko lang sinasabi na hindi ako naniniwala. Madalas lang na bumibisita dito si Yuri. Siya lang. Hindi rin bumibisita sila Lucky..na lalong nakakapagtaka. Gusto ko man kausapin si Nash h