Alas kwatro ng hapon kami umalis sa park. Nagpasiya kasi kaming maglakad lakad na. Mahaba pa ang araw at marami pa kaming maaaring gawin ngayong araw. Saglit kaming pumunta ng mall para kumain dahil mabilis namin naubos yung dala namin at sabay din kaming nagutom. Saglit pa nga kaming nagtalo dahil ang gusto niya ay siya ang magbayad, samantalang gusto ko, ako na lang. Kahit papaano ay gusto kong may maiambag man lang sa monthsarry namin. Alam kong sasabihin niya na sapat na ako para sa kanya pero, still, gusto kong may maiambag. At isa pa may naipon naman ako para dito. Hinihintay ko rin itong araw na ito, yun nga lang ay talagang nakalimutan ko lang. Pagkatapos namin kumain ay nanood na rin kami ng sine, tutal nandoon na rin naman kami. Sulitin na lang. Sobrang tahimik sa loob naan