kabanata 20
Omygosh.. Totoo ba yung nangyari? Si Rogerr hinalikan ako sa pisngi? O my gosh.. Sasabihin ko ito kay Ate mamaya pag uwi niya.
Ay wait.. baka magalit siya..
Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin e. At isa pa nakakabigla naman kasi yun.
Kilala ko siya bilang ang tikas tikas niyang pulis tapos lagi pa siyang seryoso at nakakunot ang noo. And then bigla na lang siyang ganito. Meron pa siyang pa kiss sa pisngi. Well.. Siguro kasi sa iba hindi naman big deal ang halik sa pisngi. Meron nga mga mag kakaibgan nag kikiss sa pisngi, at hidi naman nila 'yon nilalagyan ng malisya. Baka ako lang? pero kasi.. Para sa akin big deal yun. Lalo pa at siya iyon. Dahil siya 'yon.
Napag desisiyonan ko ngang hindi na lang sabihin kay Ate iyon. Pababayaan ko na lang. Tutal naman sa tingin ko ay wala lang para kay Rogerr 'yon. Siguro nga ako lang talaga itong praning na nag iisip at pilit hinahanap yung rason kung bakit niya iyon ginawa. Ginawa niya 'yon siguro kasi nag aalala na rin siya sa akin. Kasi kapatid ako ni Ate Chacha niya, at tinuturing niya akong kapatid kaya ganon.
Oo yun lang naman yun!
Kaya hanggang ngayon na pagpasok ko sa eskwelahan ay pilit ko pa rin tinatanggal sa isip ko iyon. Malapit na ang finals namin. Mahirap pag marami kang iniisip. Sumasabog na lang bigla.
"Sabi mo pupuntahan mo ako sa bahay.." sabi ko kay Cita habang kumakain kami sa Canteen. Kahapon kasi sabi niya pupuntahan niya ako sa bahay, pero hindi naman siya nag punta. Panay lang siyang text ng text.
"May ginawa nga kasi ako." dahilan niya, pero hindi naman ako naniniwala, Lalo pa at may narinig na naman ako na lalaki na kasama niya.
"Ano naman yun? Wala na naman tayong projects ha?"
Tumigil siya sa pag subo ng burger at ibinaba iyon sa lamesa. "Basta nga!
Ikaw naman, kahapon lang ako hindi nag punta sa inyo, masyado mo ba akong namiss?.. Ano? Clingy lang?"
Inirapan ko siya. "Oh, ano bang ginawa mo? Pinagluto mo yung sweetheart mo?" balik ko sa kanya ng maalala ko yung narinig ko nung tinawagan ko siya. Ngayon naman, siya ang napairap sa akin.
"Huwag mo ng ikaila ah? Narinig ko iyon malinaw na malinaw.. Tinawag ka pa ngang sweetheart."
"Ay nako! Hayaan mo na nga iyon! Bakit mo ba kasi ako pinapapunta sa inyo?" pang iiba niya sa usapan. Kahit pa ibahin niya iyon atleast alam ko na. May boyfriend na siya, ulit.
"Boyfriend mo na ba iyon?"
"Hindi. M.U lang."
"Ha? Uso pa ba yun?" kunot noo na tanong ko. Very pang high school naman.
"Ano ba Abigail? Huwag mo nga akong kausapin tungkol diyan! Sabihin mo na lang yung sasabihin mo! Tungkol ba kay Rogerr yan?"
Natigil ako dahil sa sinabi niya. Ano ba? Bakit puro siya na lang yung topic ngayong araw? Kanina rin pagdaan namin sa faculty, narinig kong binanggit nung isang instructor yung name niya.
"Oh ano? Huwag kang tumahimik diyan. Sabihin mo sa akin kung anong nasa isip mo.." nangingiti niyang sabi. Ito na nga ba e.. Ayoko talaga pag nakokorner ako ni Cita sa isang Topic.
Lumunok muna ako bago nag salita. "Kasi.. nung galing tayo sa club.. Naaalala mo pa ba yung nangyari dun?"
Si Cita kasi kada linggo ata ay gumigimik siya. For sure naman sanay na siya diba? Hindi siya tulad ko na first time nung gabing iyon. At sigurado rin akong kahit papaano ay may naalala siya.
Nakita ko ang pag ngisi ni Cita. Kinabahan ako bigla. Naaalala niya kaya? Hindi! Sigurado ako na naaalala niya. Hindi ako naniniwala kay Ate dahil baka kasi pinag-titripan lang niya ako, pero pag parehas sila ng sinabi ni Cita, syempre maniniwala na ako.
"Bakit mo tinatanong?" natatawa niyang sabi. Parang sa tingin ko sa tawa niya ay may laman iyon, Kaya kinabahan ako lalo.
"Sabihin mo na lang kung ano ba talaga ang nangyari pag kalabas natin dun.. please.."
"Hindi ba sinabi sayo ni Ate Chacha?" aniya. Pero hindi ako sumagot at tinignan lang siya.
"Well.. Para sabihin ko sayo.. Na tripan lang naman natin si Rogerr that night. Sa totoo lang gusto ko lang talaga siyang landiin.. Alam mo na.. Bet ko kasi siya diba?" sabi niya at hinawi pa ang buhok sa tenga niya. "Anyways! Ayun.. Nabigla na lang ako nung bigla mo rin siyang niyakap at hinalik halikan-"
"Wait lang!" sabat ko. Wait.. wait lang.. wait lang ulit!
"Oh bakit? Don't tell me.. Hindi mo naaalala yung mga nagawa mo?"
Dahan dahan naman akong umiling sa kanya. So hindi talaga nag sisinungaling si Ate? Gosh.. Jusko po..
Umiling ako. "Hindi ka ba nag sisinungaling, Cita?"
Humalakhak naman siya sa tanong ko. "Ilang taon na tayong mag kaibigan, Abigail! Im sure, alam mo na kung kailan ako nag sisinungaling at sa hindi diba?"
Humugot ako ng malalim na hininga. May point siya.. Muli kong tinignan ang kaibigan ko.
Kapag kasi nag sisinungaling si Cita ay panay taas ng kilay niya, per ngayon.. hindi tumaas ang kilay niya..
Ibig sabihin hindi nga siya nag sisinungaling..
Jusko po!
"Ang saya mo nga kagabi e. Para kang nakalaya sa hawla mo.. Naging wild ka!"
"Cita tumigil ka nga.."
"Nagulat talaga ako sayo nun noh! Hinaplos haplos mo pa yung braso niya!"
"Tumigil ka na nga.." napalingon pa ako sa dumaan sa harapan namin nang tinignan kami.
"Tumigil ka na kasi Cita.. Hinaan m-"
"Lalo na nung hinalikan mo siya sa lips tapo-"
"Anong sabi mo?" gulantang na sabi ko. Tama ba yung narinig ko?
"Hinalikan mo si Rogerr sa labi nung pagkahatid niya sa atin sa bahay niyo. Gusto mo kasing mag pakarga pero pinipigilan ka ni Ate. Kaya ayun, kumapit ka sa leeg niya at paulit ulit mo siyang hinalikan sa labi."
Halos malaglag na yung mata ko.. Parang gusto ng maglayas ng kaluluwa ko sa katawan ko. Makailang beses akong napalunok.
"Hina..likan ko siya.." halos hangin na lang na sabi ko. Para akong nanghihina sa narinig ko. Dapat pala nakontento na alng ako sa sinabi ni Ate sa akin. Dapat pala..
"Oo. Pero smack lang naman yun." aniya. "Yun nga lang.. Smack x7 mga ganon.." dagdag pa niya at humalakhak.
"Cita!"
"Oha bakit? Tatanong tanong ka pagkatapos mag rereact ka ng ganyan?"
Masayado na akong naiistress.. "Nag sasabi ka ba talaga ng totoo Cita, o niloloko mo lang ako?"
"Believe it or not ginawa mo talaga iyon! Kahit tanungin mo pa si Rogerr!"
"At bakit ko naman siya tatanungin? Ayoko siyang makit-"
"Oops! Ang malas mo ngayon Bessy.."
"Ano?" ano na naman kayang pinag sasasabi niya?
"Andiyan na siya.."
Nanlaki ang mata ko ng ngumuso siya sa bandang pintuan.
"Mauuna na ako.." aniya at tumayo.
"Cita!"
"Hi Rogerr!" bati ni Cita sa may likod ko. Ayaw kong lumingon.. "Ihahatid mo si Abigail?"
"Oo sana. Tapos na ba ang class niyo?"
What! Boses niya yun! Boses niya!
"Oo. Kanina pang 4pm. Sige ah? Una na ako.." muling lumapit sa akin si Cita at humalik sa pisngi ko.
"Goodluck bestfriend! Tignan mo yung mga daliri niya ah? Baka may dumi." bulong niya at tumawa. "Kitakits na lang bessy!"
Napapikit ako lalo. Bakit ko naman titignan ang daliri niya?
Paano to?