Oh ano? Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Cita sa akin pagkasabi ko na mauna na lang siya. Umupo naman ako sa may lapag. Nandito kasi kami ngayon sa tambayan namin ni Cita sa taas ng mall. Actually kanina pa nga e. At isa pa 5:45 pm na. Naiinip na siguro siya kaya siya nag aayang umuwi. "Susunduin ka ba ni Daddy Rogerr?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Oh bakit, selos ka?" "Ewan ko sayo..umalis ka na." sabi ko at nag iwas ng tingin. Ayoko pa munang umuwi ng bahay. Gusto ko lang mapag isa. Sa tingin ko kasi baka magkasagutan na naman kami ni ate doon. Nagtatampo pa rin ako sa kanya at alam kong ganoon din siya, baka mag salubong lang ang nararamdaman namin, kaya ako na ang iiwas. At isa pa..ayoko pa muna siyang makita. Pakiramdam ko wala na akong kalayaan. Pilit ko naman siyang iniintindi pero