Chapter 77... GINABI SI SABRINA ng uwe. Sinadya yata ng asawa niya na palinisin sa kaniya ang buong kuwarto ng opisina nito. Tuloy maghapon siyang nandoon sa loob habang ito naman ay simpleng pinagmamasdan siya. Huling-huli niya ang dalawang malilikot na mga mata nito. Idagdag pang naiinis siya dahil pagyumuyuko siya na papasipol ito. Kung alam niyang magiging taga linis lamang siya sa unang araw ng trabaho, e, 'di nagsuot na lamang sana siya ng pants at tinernuhan na t-shirt. At kung aangal naman siya tiyak baka iba pa ang singilin nito sa kaniya. Bigla niyang naalala ang paniningil nito sa kaniya kanina. Pero sandali lang iyon nang biglang sumagi sa isipan niya ang babaeng humalik sa pisngi nito. Tama lang na komprontahin niya ito! Hindi niya hahayaang magtukaan ito sa harapan niya. Na