Chapter 42... GUSTONG ISIGAW NI Sabrina kung gaaano niya kamahal si Thunder ngunit hindi ganoon kadali. At kung gaano siya kasabik sa mga panahong namimis niya ito ngunit mas pinili niyang humikbi na lamang yakap ang teddy bear na iniregalo nito sa kaniya noong huli niyang kaarawan bago ito umalis ng walang paalam. Nakipagtitigan siya sa dalawang mga mata nito. May halong lungkot at pagsisisi ang nababasa niya rito. Pero nararamdaman niyang mas matimbang parin talaga ang pagmamahal kesa sa galit dahil kayang hugasan ng pagmamahal ang galit na namumuno sa buo niyang pagkatao. Ano ba ang isasagot niya sa katanungan nito? Matagal na siyang nagsisinungaling sa sariling hindi na niya ito mahal ngunit ang mainit na halik nito'y hindi niya naiwasan, kung kaya't anong sasabihin niyang dah